Gina, matagal-tagal nang nagdidirek ng teleserye at pang-sampu na ‘Prima Donnas’

NI:  Nora Calderon

MATAGAL-TAGAL na rin palang nagdidirek ng mga teleserye ang mahusay na actress at director na si Ms. Gina Alajar. 

In between ito na nagdidirek din siya ng movie at gumaganap bilang isang actress.

Matapos bilangin kung ilan na ang naidirek niyang teleserye, ito palang ginagawa niya ngayon na Prima Donnas ang pangsampu na niya.

At thankful siya na after Onanay na first time niyang naidirek si Jo Berry, tatlo namang young teenagers ang ididirek niya, sina Jillian Ward, 14; Sofia Pablo, 13; Althea Ablan, 14, ang Prima Donnas, kasama rin ang young kontrabida na si Elijah Alejo 14, with Chanda Romero, Katrina Halili at Aiko Melendez, at ang actor na si Wendell Ramos.

Kumusta naman ang tatlong tween actress?

“Mahuhusay sila, medyo nagkaroon lamang kami ng adjustment nang malaman naming ito palang sina Jilian at Sofia, malalabo ang mata,” kuwento ni Direk Gina bago nagsimula ang mediacon. “Kapag kaharap lamang nila ang kausap nila, saka nila nakikita, kapag medyo malayo wala na, bulag na sila.  Kailangan naming gawan ng paraan dahil hindi sila maka-deliver sa eksena.  Pinagamit namin ng contact lenses, medyo mahirap din dahil mga bata pa sila. 

prima donnas1

Kaya lamang nagkaproblema ulit dahil sa crying scenes hindi na sila makaiyak, naba-block ng lenses iyong luha nila para lumabas.  Kaya kailangang alisin muna ang contact lenses bago mag-take ng crying scene, then ibabalik ulit. 

But mahuhusay talaga sila, later on, nang masanay na sila, sa tulong ni Chanda na gumagamit din ng contact lenses, may lubricant na ipinapatak sa eyes nila, hindi na nila kailangang tanggalin ang contact lenses, tuluy-tuloy na ang take namin.”

Dagdag pa ni Direk Gina, wala siyang problema sa kanila, dahil nakikinig sila sa instructions niya, dahil sinabihan daw niyang dapat ay lagi silang nakikinig sa instructions para hindi paulit-ulit lalo na kung mahirap ang eksena.

Triplets ang isinilang na tatlong donnas sina Donna Marie (Jillian), Donna Belle (Althea) at Donna Lyn (Sofia) ng surrogate mother na si Lilian (Katrina), pero paano nangyari na isa pala sa kanila ay hindi naman tunay na anak ni Maita (Glaiza de Castro).

Iyon ang kaabang-abang, sino sa tatlong Donnas ang hindi tunay na anak?

May special role si Glaiza bilang wife ni Jaime (Wendell) na hindi magkaanak.

Ang Prima Donnas ay nag-world premiere na sa GMA Afternoon Prime, last Monday, August 19, pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s