Rochelle, mukhang nasisi pa si Arthur na dapat ay noon pa sila nag-anak

NI:  Rose Garcia

KUNG alam lang daw ni Rochelle Pangilinan noon na ang sarap daw pala talaga ng may baby, sana raw pala ay noon pa sila nag-anak ng mister na si Arthur Solinap.

Nasisi pa ni Rochelle si Arthur kung bakit magpu-propose din naman daw pala ng kasal, pinakatagal-tagal pa.

Nakausap namin si Rochelle habang karga-karga ang six months old baby na si Shiloh Jayne.

Sey niya, “Ang saya, saya, saya na sana pala, noon pa kami nagka-baby. Eh dati ang daming takot noon, ang daming what ifs.”

Total breastfed din si Rochelle sa baby nila.

“Alam mo yung feeling ko na inang-ina, na nabibigay ko ang pangangailangan niya. At hanggang ngayon, wala siyang tine-take na vitamins.

“Kaya kapag may nakakausap akong mga mommy, sinasabi ko na tiisin lang muna kasi, masakit yung first few weeks.”

Rochelle-Pangilinan-and-Arthur-Solinap

Desisyon daw nilang dalawa na huwag na lang kumuha ng yaya para sa anak kaya very hands-on silang mag-asawa sa pagpapalaki kay Shiloh. Puring-puri rin ni Rochelle si Arthur kung paano ito bilang daddy.

Balik showbiz na rin si Rochelle dahil kasama siya sa bagong primetime series ni Alden Richards na The Gift.

Nag-usap na raw sila na kapag siya ang nasa work, si Arthur ang tagapag-alaga ng baby nila at vice-versa.

Kontrabida na sexy secretary ang role niya at true enough naman, kahit ilang buwan pa lang na nanganak, naibalik na agad ni Rochelle ang kanyang kaseksihan.

At dahil cesarean siya, jogging, walking lang daw ang ginawa niya araw-araw at bawas ng kain. Umabot daw siya ng 150 kilos noong buntis, e, ang ideal weight niya at 110 kilos. Ten pounds pa raw ang kailangan niyang ma-lose.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s