Kris, mas excited pa sa reunion movie nina Sharon at Gabby kesa sa sariling pelikula

NI:  Rohn Romulo

NAGSIMULA na pala si Gabby Concepcion na mag-shooting para sa movie na (K)Ampon, na entry ng Quantum Films, Spring Films, at KCAP sa 2019 Metro Manila Film Festival.   

At dahil first shooting day niya ay sorpresang binisita siya ni Kris Aquino para personal na pasalamatan si Gabby sa pagtanggap ng role, kahit wala pang tulog dahil kagagaling pa lang niya ng Japan.

Ini-upload nga ni Kris sa kanyang YouTube channel ang video ng pagpunta niya sa shooting pati na ang ginawa niyang instant interview kay Gabby.

May dala-dala siyang pasalubong kay Gabby at sa manager nitong si Popoy Caritativo na labis niyang pinasasalamatan dahil natuloy ang filmfest entry na dapat nilang matapos bago ang deadline sa October.

Naikuwento ni Kris na sa movie, nagkamali si Gabby, may nabuo at nag-suffer siya.

Ita-tackle daw movie ang different forms of love and many type of marriages.  Along the way, mari-reveal ang pinagdaanan nina Clark at Grace, na dahil sa isang gabing pagkakamali, kaya nga isa itong horror movie.

gabby kris

Hindi naman nakalimutang tanungin si Kris kay Gabby na kung possible ba next year ay matuloy na ang reunion movie nila ni Sharon Cuneta, na agad namang nag-“yes” ang aktor.

Sabi ni Gabby, “Gawin na natin, let’s shoot. When? First day?”

Dagdag pa niya, “Di ba, sinabi ko na? I already answered you, when are we going to shoot? You didn’t even ask me that question but I knew it was coming.”

Sagot naman ni Kris, tapusin daw muna nila ang (K)Ampon, na ikinaloka niya dahil mahal ng budget ng movie nila.

Sabi pa ni Kris, “I’m going to ask, if I text her, and I say you said that?”

“Game, matagal na akong go,” tugon pa ni Gabby.

Sobrang naman natuwa si Kris at kinilig at sabay sabing marami siyang nabigay na scoops sa interview niya kay Gabby.

“I’m so excited for that.  Mas na-excite pa ako dun, kesa sa sarili kong movie, kaloka ako, I am really a fan,” masayang tugon pa ni Kris.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s