Aiko, nagpapasalamat sa GMA sa buong pusong pagtanggap; tuloy pa rin ang kaso sa taong nagdawit sa kanya sa droga

NI:  Rohn Romulo

BALIK-KAPUSO na nga ang nag-iisang Aiko Melendez na nambulaga sa kanyang revealing red dress sa presscon ng Prima Donnas na ginanap noong Martes ng gabi, August 13, 2019 sa 17th floor ng GMA Network Center.

Matatandaan na nag-start siya sa award-winning gag show na Bubble Gang.  After nine years, muli nga siyang nakatungtong sa GMA Network at natuloy na rin sa Prima Donnas, dahil ito raw na ang ikatlong shows na in-offer sa kanya.

Aasahan na ang role niya bilang Kendra ay “wilder and bolder” na ibang-iba sa kanyang iconic role na Emilia sa Wildflower, kaya malaki rin itong challenge sa kanya na mabigyan ng justice ang bagong kaiinisang character.

aiko melendez (2)

Naging maayos naman ang paglipat ng istasyon ni Aiko dahil wala naman siyang bad blood sa Kapamilya Network.

Freelancer kasi si Aiko, kaya okay lang na gumawa siya sa GMA-7.  In-offer pala sa kanya ang Sandugo ng Kapamilya network, pero hindi niya natanggap dahil sa Prima Donnas, na hinintay talaga siya ng big bosses ng GMA, kaya meant to be na mapunta sa kanya ang role ni Kendra na tiyak na gagawa na naman ng marka.

Dapat pala ay kasama siya sa cast ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko nina Kris Bernal, Megan Young at Rayver Cruz, pero hindi niya tinanggap.

Pinag-pray ni Aiko ang pagkakaroon ng bagong TV show at nakatanggap nga siya ng magandang sign para makabalik sa GMA-7.

“Sabi ko, ‘Lord, bigyan Niyo po ako ng isang proyekto na gusto kong gawin na bago. Na parang new journey ko.’

“Hindi ko alam na ‘yung new journey ko after nine years will be here in GMA.

“It’s great to be back here in GMA because everyone was very welcoming.

“Yung walang isyu involved, walang tanungan na taga-doon ka sa kabila, galing ka sa ganoon.

“Sa kanila, bibigyan ka nila ng work at bibigyan ka ng importansiya kaya nagpapasalamat po ako sa GMA-7 dahil tinanggap nila ako nang buong puso,” pahayag pa ni Aiko na hindi pa rin nagbabago, very sweet pa rin at malakas ang pr na dapat gayahin ng mga baguhang artista.

Inamin din ni Aiko nakadagdag ang stress niya sa nakaraang eleksyon na kung saan tumakbo at nagwagi ang kanyang boyfriend na si Jay Khonghun bilang bise gobernador ng Zambales, kung bakit siya pumayat, kaya in a way ay nagpapasalamat din siya.

aiko-jay

Pero, itutuloy pa rin niya ang kaso sa pagkakadawit ng pangalan niya sa droga.

“Oo, on going siya, anytime this week, lalabas na ang desisyon fiscal kung may probable cause.

“Dumaan na kami sa mediation, pinag-aayos kami ng piskal, pero itutuloy ko yung laban talaga.  Somebody has to learned a lesson.

“Sabi nga nila, ‘tapos na yun eleksyon, nanalo na kayo, patawarin n’yo na.’  Oo, pero yun pagdudungis niya sa isang tao, kailangan ayusin din. Linisin mo rin ang ginawa mo sa akin.

“Hindi naman ako parte sa election, campaigner lang naman ako, pero yung iniwan mo sa akin na dagok.  Yung sleepness and death threats na nakuha ko.

“Yung akusahan ka na kasabwat sa drugs, is a very sensitive issue.  Anti-drugs pa naman ako, tapos pagbibintangan mo ako nyan, serious allegation yan.

“Kaya somebody has to pay for it.  Kaya, I will see you in court.”

Dagdag pa ni Aiko na grabe talaga ang pinagdaanan niya, “hindi talaga ako makatulog, nagwo-worry ako para sa dalawa kong anak.

“Paano kung ma-tokhang ako, ang pangit naman ng pagkamatay ko. Ang pangit naman ng headlines, ‘Aiko Melendez, na-tokhang!’

“Alam n’yo naman na supporter ako ni Pres. Duterte, against ako sa drugs.  Tapos pagbibintangan n’yo ako ng ganyan, it’s so unfair.

“I wanna die beautiful!”

Samantala, ang Prima Donnas ay pagbibidahan nina Jillian Ward bilang Donna Marie, Althea Ablan bilang Donna Belle at Sofia Pablo bilang Donna Lyn.

Mula ito sa direksyon ni Ms. Gina Alajar at magsisimula na sa Lunes,  August 19, pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko, sa GMA Afternoon Prime.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s