NI: Nora V. Calderon
TULUYAN nang natapos ang StarStruck journey nina Radson Flores at Ella Cristofani nang sila ang ma-eliminate sa second twist ng original artista search.
Si Radson ay nakabalik nang sa first twist ng show ay nagkaroon ng wild card at siya ang napili. Last Sunday, August 4, nalagay naman sa lowest scores sina Ella at Jeremy Sabido. Pero ang second twist ng show ay nang ipasok sila sa wild card at nakipaglaban muli sa dalawang nakakuha ng lowest score last Sunday, August 11.
Nakakuha ng lowest score sina Radson at Lexi Gonzales. Na-retain sina Jeremy at Lexi kaya muling nabuo ang Top Final 8 ng StarStruck.