Alden, walang kapaguran sa kabi-kabilang commitments; ‘The Gift’ malapit nang mapanood

NI: Nora V. Calderon

WALA kaming masabi kay Alden Richards, umalis siya ng bansa last August 8 for The United Arab Republic para sa premiere night ng Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo sa Dubai at Abu Dhabi plus meet and greet with the Filipino fans doon.

Last Sunday, nag-post lamang si Alden na nasa Sheikh Zayed Grand Mosque, nakasuot siya ng traditional clothing na kandura.

“Got to learn a little more about rhe religion and culture.  Praying to come back soon with my family when the weather’s cooler. Inshallah.”        Summer kasi ngayon doon.  Umalis sina Alden at Kath last Sunday evening sa Abu Dhabi at dumating sila sa bansa ng Monday, 9:00 am.

jo-alden-the gift

Pero si Alden, nag-freshen up lamang dahil 1:00 pm ang call time niya sa taping ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The Gift at tumuloy na siya sa Divisoria.  Isang big scene daw kasi ang kukunan ni direk LA Madridejos.

May ilan pang commitments si Alden para sa HLG nila ni Kath na tatlong araw sila sa Singapore at masasabay na rin ang pagpu-promote niya ng The Gift sa regional mall shows, mauuna sa Kadayawan Festival sa Davao, on August 23.

Malapit na rin kasing mapanood ang The Gift sa primetime ng GMA 7

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s