Ai Ai, hindi type na gumanap na Mother Lily sa bioflick dahil mas babagay kina Vilma at Judy Ann

NI: Nora V. Calderon

MASAYA ang mediacon ng And Ai, Thank You! na ang story ay ginawa talaga ni Direk Joven Tan para kay Ms. Ai Ai delas Alas na kilala bilang isang Box Office Queen at Comedy Queen. 

Wala raw ibang pwedeng gumawa nito kundi si Ai Ai, na gumaganap for the first time na isa siyang artista. Kaya first time daw niyang gumanap na lagi siyang nakasuot ng magagandang damit, at laging naka-make-up, di tulad ng ibang movies niya na unglamorized ang role niya. Sino ang peg ni Ai Ai sa pagganap ng role niya?

“Wala, pinaghalu-halong character ng bawat isang artista ang ginawa ni Direk Joven,” natatawang kuwento ni Ai Ai.

judy ann s

“Ailene din ang pangalan ko sa story, mabait naman siya sa simula, pero dahil sa mga gulo sa buhay niya, kaya nabago ang ugali niya.  Ako na lamang ang nakakaalam kung sinu-sino ang pinagsama-sama sa character ko.”

Bakit parang sunud-sunod ang paggawa ng movie ni Ai Ai? Inamin niyang pangatlo na itong And Ai, Thank You, na ipalalabas this year.

“Five movies ang nakatakda kong gawin this year, at pagkatapos noon, pahinga na muna ako, next year kasi gusto kong harapin ang family ko at gusto ko nang magka-baby kami ni Gerald (her husband).  Kapag ginawa ko iyon kailangang sa first trimester, dapat nasa bahay lamang ako.

Paano iyon kung gusto ni Mother Lily na siya ang gumanap sa character niya sa bioflick niya na ididirek ni Erik Matti?

“Hindi, pass na ako sa movie ni Mother Lily, saka mas bagay gumanap sa kanya sina Judy Ann Santos at si Congressman Vilma Santos.  Manonood na lamang ako ng movie ni Mother Lily.”

vilma and mother lily

May tanong kay Ai Ai na paano niya gustong makilala ng mga tao?

“Gusto kong matandaan nila ako na “ang komedyanteng nagpapasaya sa mga tao ay isang dakilang ina.”

Sa movie ay first time lamang magkakasama sina Ai Ai at isa pang comedienne-singer na si Kakai Bautista, si Rufa Mae Quinto na muling nagbabalik-showbiz, Dennis Padilla, Joey Paras, Rubi Rubi, Anjo Yllana, Joross Gamboa, at  may special participation si Juliana Parizcova Segovia.

Napapanood na in cinemas nationwide ang And Ai, Thank You.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s