Matteo, agaw-eksena sa ‘Mina-Anud’ at ‘di nagpakabog kina Dennis at Jerald

NI:  Rohn Romulo

PAWANG mahuhusay ang mga nagsipagganap sa black comedy film na dinirek ni Kerwin Go, ang Mina-Anud na handog ng Regal Films, Epic Media at HOOQ Originals na mapapanood na sa August 21.

Nagpamalas nga ng kahusayan sa pag-arte sina Dennis Trillo, Jerald Napoles, Lou Veloso, Alvin Anson at Dionne Monsanto, pero base sa mga nakapanood noong Sabado ng gabi sa CCP bilang closing film ng Cinemalaya 15, agaw-eksena rin si Matteo Guidicelli sa kakaibang karakter nito bilang kaibigan nina Jerald at Dennis, isang commercial model na naging contact ng dalawa para maibenta sa Maynila ang mga droga sa mas malaking halaga.

Pinalakpakan daw nang husto si Matteo at nagmarka sa manonood, sayang nga lang at hindi ito nasaksihan ng boyfriend Sarah Geronimo dahil nagka-conflict ang schedule nito kaya ‘di nakarating sa premiere night.

Tiyak na magiging proud si Sarah kay Matteo kapag napanood na nito ang Mina-Anud na litaw na litaw ang pagiging versatile actor.

Samantala, nakatanggap ang Mina-Anud ng positive feedbacks sa mga nakapanood sa Cinemalaya sa CCP at sa special screening sa Cebu.

mina-anud graded B

Ayon sa post ni @bubblypong sa Twitter, “Mina-Anud is a kind of film that should be promoted in Philippine Film Industry. Sana ganito ang mga film sa Pinas, hindi mababaw. Deserve ng Mina-Anud na mapanuod at ma-appreciate ng mga Filipino.”

Dagdag pa niya, “The film is legit funny and you’ll never get bored while watching. Nawala ang antok ko.”

“The film is fantastic. It’s a fun ride. I would definitely recommend it for those who wants to see a wild story, unusual story, great scenery, great performances, no question I would recommend it.” ayon naman kay Dave McVeigh ng Cebu.

Ibinahagi naman ng Entertainment editor na si Troy Ciar ng Sun Star Super Balita na, “It is amazing and brave movie, I hope everybody will watch it. Nice, very nice, two thumbs up I’m recommending it.”

Pahayag naman ng student ng San Jose Recoletos University: “I think it was genius the way they made the film. The film is a telling art, very relevant, very significant that needs to be seen by all the people. Kahit intense yung mga scenes mapapatawa ka talaga dahil sa actors’ skills.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s