Iza, ready na sanang magka-baby pero ipagpapaliban muna

NI: Nora V. Calderon

READY na sanang magkaroon ng first baby sina Iza Calzado at Ben Wintle this year, pero hindi raw muna matutuloy.

Ayon kay Iza, next year na raw lamang sila magta-try dahil ang dami pa niyang commitments na gusto niyang tapusin this year.  Very patient naman si Ben na maghintay.

Naunang tinapos ni Iza ang Pandanggo Sa Hukay, na isa sa naging entries sa katatapos na Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

iza-calzado-ben

Sisimulan ni Iza ang MNL/HK/NY movie with Congressman Alfred Vargas na ididirek ng comebacking film and TV director na si Mac Alejandre kapag natapos na siya ng shooting ng Culion, ang historical movie na sinulat ni Ricky Lee at dinidirek ng award-winning filmmaker na si Alvin Tapan.  Produced ito ng IOptions Productions at isa rin sa producers si Iza,  na excited na ring matapos ang movie.

Ang Culion daw ay kuwento ng pag-asa.

For so many years ay ginawang leper colony ang Culion nu’ng 1940s,” sabi ni Iza.

Tingnan natin kung ano na ang Culion ngayon sa paglalahad nito sa movie.”

Balak din nina Iza na i-submit ang Culion as a finished film sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019, na deadline na sa September 20.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s