Angelica, muling nag-ingay sa social media dahil sa pagtawag na may attitude siya

NI:  Ruel Mendoza

MULING nag-ingay sa social media ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban dahil sa pagtawag sa kanya na may attitude siya.

Nag-ugat daw ito sa paghingi lang niya ng pagkain sa set ng  pelikulang ginagawa niya ngayon.

Kilala si Angelica na kanyang pagiging prangka, lalo na kung nasa katwiran siya.

Dahil sa pagtawag sa kanya na may attitude siya, nag-tweet ang aktres na hindi na raw siya maghahanap ng makakain tuwing magsu-shooting siya.

“From now on. Hindi na ko maghahanap ng pagkain sa shoot. Attitude pala ang tawag dun. Sorry ha? Nahihiya ako sa inyo. (Nag alok naman kasi ng kape),” tweet pa niya.

Pahabol pa niya: “Haha. Mali ako. Dapat daw pumunta ako sa trabaho na busog.  At kapag sinabing tumayo ka sa isang sulok, sumunod ka! kung hindi, may attitude ka.”

Nakahanap naman ng kakampi si Angelica mula sa maraming netizens. Nasa katwiran naman daw ang aktres sa paghingi nito ng makakakain dahil nasa shooting set ito at dapat may pinu-provide na pagkain ang production sa mga artista.

Heto ang ilang reaction ng netizens sa tweet ni Angelica:  “Attitude, agad agad. Pero pag di k na naghanap ng pagkain o tumanggi man lang sa alok, attitude din yun, sabihin mapili or what. Madami talaga kuda mga tao dipende sa mood.”

“Nag-alok ng pakape, wala man lang kasamang biskwit? Pang-lamay lang. Kung may pashoot – may palamon dapat.”

“Di ka na-inform na bring-your-own-baon pala.”

“Jusko! Pati ba naman sa pag lamon me label na attitude? Kung Hindi kakain, ano tawag patay gutom attitude? Lamon Lang ganda”

“Whatever you do (or say) people will always have a positive and negative reaction about it. The most important thing is that you know the truth within your heart. Ignore negativity and embrace positive vibes. Kudos Angge!”

“Nothing wrong to ask for food. Dapat mayroon kakainin kasi sigurado may magugutom, it is just how people interpret it that makes it an attitude”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s