KC, ipinagdiinang hindi pa ‘nabuntis’ sa buong buhay niya; Sharon, ‘di rin napigilang mag-react

NI: Rohn Romulo

TINANONG si KC Concepcion sa kanyang IG account na ‘Ask Me Anything’ kung buntis ba siya.

Sagot ni KC, “You guys have to stop with these ‘pregnant’ rumors already. That rumor has been going around since my college years for no reason. I have never been pregnant in my life. In fact, how I wish I could be.

Comment pa ng isang netizen, na sa ating bansa, kapag tumaba pinaghihinalaang buntis na.

Na sinagot naman ni KC ng, Korek!!! Kaya nga eto nagpapapayat na ako at nageenjoy sa life at baka mapagkamalan pa akong buntis ng paulit-ulit… ulit… ulit… ulit… ulit… walang katapusan.

sharon & fam

May pinost din na comment si Sharon Cuneta tungkol sa akusasyon na buntis ang kanyang anak, “No, for those who so maliciously and cattily commented here, KC is NOT pregnant. Never been.”

Samantala, ibinahagi nga ng Megastar ang ilang mga pics sa kanilang family pictorial.

Ikinatuwa nga ng netizens ang natural pictorial na dahil bukod pa sa kanilang matching outfits ay karga-karga pa ang mga adorable pets nila.

Kompleto ang mga anak ni Sharon na sina KC, Frankie, Miel at Miguel, kasama rin si Sen. Kiko Pangilinan.

Umagaw nga ito ng atensyon ng mga netizens at bumuhos ang magagandang comments na tuwang-tuwa sa pamilya nina Sharon at Kiko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s