Derek, ikinumpara kay Gerald ng isang basher kaya direktang sinagot

NI: Rose Garcia

IKINUMPARA ng isang basher si Derek Ramsay kay Gerald Anderson. Pero hindi ito pinalampas ni Derek at talagang direktang sinagot.

Nag-post si Derek sa kanyang Instagram account ng larawan ng kanyang pamangking babae at sa comments section, isang netizen ang nagkomento ng hindi maganda.

“Gawa kna kasi ng baby mo matanda kna. Hindi ung puro kalandian lng gnagawa m. Yan tuloy si Gerald Anderson nagmana sau.”

Sinagot ito ni Derek at aniya, “salamat sa advice and i hope because of what you said masaya ka for the rest of your day.”

Ipinagtanggol naman si Derek ng kanyang mga followers pero pabastos pa ring sumasagot ang netizen kaya muli siyang sinagot ng aktor.

“Hey wag ka bastos! Ikaw nga ang gago tapos ikaw pa bastos,” balik ni Derek sa basher.

Pagtatanggol naman ng isang supporter ni Derek, “bakit naman po mag mamana si Gerald Anderson, di naman po sila mag ama!! Lol. And being a cheater is a choice, hindi po yan namamana. Mema lang din kasi.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s