Marco, ‘perfect kissable lips’ ang nasabi sa kissing scene nila ni Anne

NI: Rohn Romulo

SIMULA nang maging bahagi si Marco Gumabao ng Viva Artists Agency mas naging aktibo siya sa paggawa ng pelikula.

Last year, naka-tatlong movie siya, ang Abay Babes na kung saan pinag-agawan siya nina Cristine Reyes at Nathalie Hart; Para Sa Broken Hearted na kung saan nakapareha niya si Shy Carlos at sa Aurora na pinagbidahan ni Anne Curtis at nanalo ng ilang parangal sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Last March, naging bahagi naman siya ng journey to self-love ni Nadine Lustre sa Ulan at sa buwang ito muli siyang mapapanood bilang leading man ni Anne sa Just A Stranger.

JAS_TSR_NEW_0718-MOV0967

Sa pelikula gaganap siya bilang Jericho na anak ng Philippine Ambassador sa Portugal.  Makikilala niya nagi Mae (Anne) at mahuhumaling sa ganda nito, hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. May kanya-kanya mang karelasyon, tuloy pa rin ang dalawa sa kanilang bawal na pag-ibig.  Hanggang kailan kaya nila ito maitatago?

Ang Just A Stranger ay mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana na karamihan sa mga eksena ay kinunan sa Lisbon, Portugal ay ipalalabas na sa August 21.

Maliban sa magandang cinematography, ipinagmamalaki rin ang napiling soundtrack para sa pelikula: ang “Delikado” ni Marion Aunor at “Magkaibang Mundo” ni Katrina Velarde.

Samantala, “Perfect ang word na pwede kong i-describe, perfect kissable lips,” ang naging sagot ni Marco nang matanong tungkol sa naging kissing scene nila ni Anne sa Just A Stranger.

JAS_TSR_NEW_0718-MOV1504

Sa kanyang first movie lead role first time din siya sumalang sa maiinit na eksena.

Aminado namanm ang Newest Heartthrob na malaki ang naitulong sa kanya ni Anne nang kinukunan nila ang mga maseselan na eksena.

“Sobrang kabadong-kabado po talaga ako noong una. It was my first time pero si Direk Jason and si Anne, they took care of me naman and sobrang inalagaan naman nila ako. They really made me comfortable with it.

“Yung puso ko talaga, gumaganon talaga. Tapos for some reason sa Portugal, ang daming delays noong una, so parang dagdag-kaba ‘yung delays. Pero all in all naman, it was smooth and I would like to thank them na successful naman,” pahayag pa ni Marco.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s