Julia, nag-react na siya ang sinisisi na nagmumukhang kawawa si Joshua

NI: Rose Garcia

MAY pa-warning ba si Julia Barretto sa tweet niya towards the end na, “wala sila lahat alam. Wait lang kayo…”

Sinagot ni Julia ang lumabas sa soc med habang nasa San Francisco, U.S.A. sila for “ASAP Natin ‘To Bay Are sa San Francisco.”

Nanggaling ang post kay Roxy Liquigan na in fairness raw kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nang makita ng mga ito na mag-isa lang si Joshua na kumakain, tinabihan at sinamahan ng dalawa.

Nagkaroon ng impression na left alone si Joshua o kawawa naman. Na kahit nandoon din ang ka-loveteam at ex-girlfriend na si Julia, ang dating dedma ito at iniiwan-iwan na lang si Joshua.

Joshua-Julia

May fan na nag-depensa kay Julia at sinabing obviuos nga raw, umiiwas na lang si Julia sa isyu. Nag-reply rin si Julia rito.

Sa reply ni Julia, sinabi niyang bakit sa kanya na naman ang sisi, siya na naman ang may kasalanan habang ang ex niya ay nagmumukhang kawawa.

Ang kabuuang tweet ni Julia, “I did not leave Joshua alone. He opted & requested to be left alone. He asked to eat & mingle alone. Why are all these fingers being pointed at me YET AGAIN? Bakit na naman siya kawawa sa naging choice and decision niya, and bakit kasalanan ko pa to? Wala kumakawawa sa kanya.”

Sabi pa niya, “Masyado nageenjoy tapos gawin kawawa si Joshua sa lahat ng bagay, kahit wala na connection sa kahit na ano. May magawa lang na story. Trust me, the guy is ok. He enjoyed himself last night. Wala sila lahat alam. Wait lang kayo.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s