Benjamin at Solenn, puwedeng manalo sa mahusay na pagganap sa pelikulang ‘Misterio de la Noche’

NI: Rose Garcia

PUWEDENG manalo ng acting award sina Benjamin Alves at Solenn Heusaff sa mahusay na pagganap nila sa pelikulang Misterio de la Noche na kasalukuyang napapanood sa Cinemalaya ngayon at naipalabas na rin sa Montreal International Film Festival sa Canada.

Talaga nga palang totally kakaiba ang mga characters na ginampanan nina Benjamin at Solenn sa movie. As in, ibang-iba.

Noong una, napatanong talaga kami kung paano napapayag ang dalawa ng director ng movie na si Adolf Alix Jr. Dahil pareho silang nag-all-out with their love scenes and nakedness.

benjamin-&-solenn

As in, si Benjamin, nagpakita ng buong back niya. Ilang beses din itong nag-masturbate sa scene at si Solenn naman, hubo’t-hubad talaga. Sabi nga niya, wala siyang plaster. Pero seeing how they acted their characters well, nasagot din ang tanong namin.

Sobrang challenging naman kasi sa kanilang dalawa ang mga roles nila, lalo na si Solenn na talagang physically and emotionally challenging ang role. Same goes with Benjamin na siguro, kung mahina-hina ang actor na gumanap sa role niya, hindi ito makakayang itawid.

Ang bongga rin ng casting ng Misterio de la Noche, ilan sa supporting cast ay sina Gina Alajar, Radha, Allan Paule, Rosanna Roces at Elizabeth Oropesa lang naman.

Hindi siya ordinaryong misteryo kaya para masagot ang curiousity, pwede pang habulin sa Cinemalaya or else, hihintayin na ang regular commercial run nito ngayong taon sa mga sinehan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s