Anne, nag-post na katabi ang standee ni Park Bo Gum at nireplayan ng aktor

NI: Rose Garcia

KINAIINGGITAN ngayon ng mga K-pop at K-drama addicts si Anne Curtis mula sa short trip niya sa South Korea.

Kung matatandaan, si Anne ang naging host sa kauna-unahang fan meeting ng South Korean actor na si Park Bo Gum sa bansa na ginanap sa Mall of Asia Arena. That time pa lang, wagi na ang fangirling heart ni Anne.

Since nasa South Korea nga ito nitong nakaraang weekend, nag-post si Anne sa kanyang Twitter account nang, “Look who I bumped into Seoul! Annyeong @bogummy.”

Nakakita si Anne ng standee ni Park Bo Gum. Nagpa-picture katabi ng standee ng actor at saka nag-tweet at itinag si Bo Gum. Yung ginawa ni Anne ay ordinaryong ginagawa ng mga fan talaga. Pero ang kaibahan, si Anne kasi, nireplayan ni Park Bo Gum.

Isang araw pagkatapos na mag-tweet si Anne nag-reply si Bo Gum at siyempre, kinilig din ang ibang mga fans sa pagpansin ng actor sa tweet ni Anne at sa naging reply nito.

Sabi ni Bo Gum, “Sorry for my late response! When did you come to Korea? Having a good time here? I’m shooting a movie these days. Though the weather’s too hot, I hope you can fully enjoy the time while staying in Korea! Thank you for saying hi to me:).”

Nakakaaliw rin ang ibang fans. Dahil sa tweet ni Anne na kasama ang standee nga ni Bo Gum at nag-reply ang huli, ang daming nag-post ng mga picture rin nila na kasama nila ang standee ng actor at sabay caption ng, “Baka naman” which means, baka naman mag-reply rin daw sa kanila.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s