Nora, habang tumatagal ay lalo pang humahusay sa pag-arte; Direk Joel, muli na namang makakatrabaho

NI:  Ricky Calderon

REUNION film nina Direk Joel Lamangan at Superstar Nora Aunor ang Isa Pang Bahaghari, ang bagong project ng Heaven’s Best Entertainment Productions na intended as entry sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Huling nagkasama sina Direk Joel at Ate Guy sa Hustisya na entry sa Cinemalaya. Win pa nga si Ate Guy ng best actress that year sa Cinemalaya.

Ito ang ikalimang pagsasama sa movie ng dalawa. Unang project nila ay ang internationally-acclaimed The Flor Contemplacion Story kung saan wagi ng numerous acting awards si Ate Guy both here and abroad.

Ang iba ang movies nila together ay Muling Umawit ang Puso, Bakit May Kahapon Pa at Sidhi.

Sa story conference ng Isa Pang Bahaghari, sinabi ni Direk Joel na it is always a pleasure to work with Ate Guy.

“She comes to the set prepared. Ready siya mag-shoot at lagi siyang mahusay. Si Ate Guy ay tulad ng isang alak na habang tumatagal ay lalong sumasarap. Habang tumatagal ay lalong nagiging mahusay sa pag-arte si Nora,” papuri ni Direk Joel sa Superstar.

Ayon naman kay Ate Guy, si Direk Joel ay pwedeng ihambing sa alak na brandy na mamahalin pero sobrang sarap din. Enjoy siya katrabaho si Direk Joel dahil he always brings out the best in her.

joel & nora

Star-studded ang movie at umaasa sina Direk Joel at ang Heaven’s Best na pwede nilang ma-duplicate ang success ng Rainbow’s Sunset sa 2018 film fest with Isa Pang Bahaghari.

Samantala, big winner si Direk Joel Lamangan this year.

Ilang beses siyang nagwagi ng Best Director award for Rainbow’s Sunset tapos win din siya bilang  best supporting actor for School Service.       Umani rin siya ng papuri para sa kanyang mahusay na performance sa papel bilang psychotic Philippine president sa pelikula ni Lav Diaz titled  na Ang Hupa, na opening film of the Cinemalaya Filmfest on August 2 at the CCP.

By August 4 ay nakatakda na siyang magsimula ng filming ng Isa Pang Bahaghari which they intend to enter in the coming Metro Manila Filmfest.

Ano  ang masasabi niya sa sinasabi ng mga bashers na ang kanyang latest movie ay isa na namang istorya ng kabaklaan tulad ng Rainbow’s Sunset?

Iba naman daw itong Isa Pang Bahaghari dahil mas bata ang mga characters na ginagampanan nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa.

“Sa mga nagrereklamo kung bakit may bakla na naman, eh kahit saan naman ay may bakla? Dito ay ipapakita namin ang kwento ng mga bakla na mahihirap pero kahit na sawing-palad ay namumuhay nang marangal,” pahayag ng director.

Nang pabirong tanungin kung wala siyang balak gumawa ng movie sa mga tomboy, sinabi ni Direk Joel na hindi raw niya alam kung paano gumawa ng movie na tomboy ang bida o pang-tomboy.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s