Mylene, perfect and only choice ni Direk Joji sa ‘Belle Douleur’; Kit, walang takot na naghubad

NI:  Rohn Romulo

SI Kit Thompson ang pinag-uusapan nang ilabas ang trailer ng Belle Douleur (Beautiful Pain) na isa sa exciting entries sa  Cinemalaya 2019 na nagsimula na sa araw na ito.

Si Kit ang napiling i-partner sa mahusay na aktres na si Mylene Dizon na perfect and only choice ng lawyer-producer na si Joji Villanueva Alonzo na first time na sasabak sa pagdidirek ng full-length film.

Sa trailer wala ngang takot si Kit na ibinuyangyang kanyang butt, at ayon kay direk ay mas malinaw na version ang makikita sa pelikula.

kit & mylene

Meron pa silang tatlong naka-pag-iinit na love scenes sa Belle Douleur pero ayon kay Atty. Alonzo, “each love scene has a story to tell.  Hindi ko siya ginawa para lang sa mapahubad sila.”

Sinabihan pa raw niya si Kit na kailangan niyang mag-plaster ng kanyang private part, kahit na okay lang sa baguhang actor na wala, pero hindi pumayag ang director.

At dahil nga hindi marunong maglagay ng pangtakip si Kit ay pinalagay pa ito ni direk sa ibang tao.  Pero noon sumunod na eksena siya na ang naglagay, ang problema lang, masakit pag tinatanggal na ang plaster.

May-September romance ang movie na pwede ngang ihalintulad sa hit digital film ng iWant na Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca.

Inamin naman nina Direk Joji, Mylene at Kit na hindi nila pinanood ang naturang digi-film.

joji va

Sa totoong buhay ay 23 years pala ang agwat ng edad nina Mylene at Kit. Pero base sa trailer and in person, hindi talaga halata na more than 20 years ang age gap nila.

Sa movie naman si Mylene ay si Liz, 45 years old and single.  Samantalang si Kit ay si Josh, 26 years old at isang antique dealer.

Directorial debut nga ito ni Atty. Joji Alonso na 15 years nang nagpo-produce ng pelikula na bata pa lang ay gusto nang magdirek.

Nakapag-direk na siya ng short film, ang Last Order at ngayon nga ay natupad na ang kanyang pangarap at huhusgahan na ang kanyang pelikula sa August 3 na kung saan magaganap ang gala premiere ng Belle Douleur sa CCP Main Theater.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s