Nadine, nag-beg off na makasama si Aga kaya pinalitan na ni Bela na mas bankable star

NI: Nora V. Calderon

NABUO na ang second edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa 2020 at tatawagin itong Metro Manila Summer Film Festival. 

Ito ang  sagot sa request ng local movie industry na tulungan sila sa bumababang viewership ng Filipino films dahil sa influx of foreign films and the development and growth of affordable entertainment and media platforms.

Sa isang meeting noong July 10, 2019, ng MMFF Executive Committee, in-approve nila ang proposal ni Senator Christopher Lawrence Go na magdaos ng second edition ng MMFF. Sina Senator Bong Go at Laguna Congressman Danilo Fernandez ang dalawang bagong appointed members ng MMFF Execom.  Pareho silang nangakong magbigay ng suporta sa movie industry.

Ang mga pelikulang ilalahok sa second edition ng MMFF ay magmumula sa mga isa-submit nang finished films produced not earlier than January 1, 2019, kasama ang mga pelikulang nai-submit na sa 2019 MMFF finished film competition. Meaning ang mga pelikulang na-submit na hindi napili sa official entries sa December ay pwede nilang isali.

Walong pelikula pa rin ang pipiliing official entries na ipalalabas in cinemas nationwide.

Summer MMFF

Eleven days ipapalabas ang 8 pelikula simula sa April 11, Black Saturday.  Magkakaroon ng Parade of Stars sa April 5, Palm Sunday.  Ang event ay pagtutulungan ng MMFF at Cinema Exhibition Association of the Philippines (CEAP).

Present si Atty. Rolando Duenas, Vice President ng CEAP.  Ang Summer Film Festival ay presented to the Metro Manila Council and the Metro Manila Mayors na nangako ng kanilang full support to the Metro Manila Summer Film Festival.

In 2020 ang magiging sponsor ng MMFF ay ang Quezon City, kaya sa kanila gaganapin ang Parade of Stars sa Palm Sunday.  Ang Awards night ay sa April 15, four days after the opening day.  Official entries will be shown on April 11 to 21, 2020.

Nagbigay din ng paglilinaw si Noel Ferrer ng MMFF Execom tungkol sa pagpalit ni Bela Padilla kay Nadine Lustre sa Viva Films entry sa MMFF, ang Miracle in Cell No. 7.

Sa sulat na ipinadala nila sa MMFF Executive Committee ito ang paliwanag ni Mr. Vincent del Rosario, President and COO of Viva Communications:  “We would like to inform you that due to circumstances that we cannot control, we are constrained to replace Ms. Nadine Lustre with Ms. Bela Padilla in playing the role of Adult Yesha for the film.  “Ms. Lustre has begged off the project due to persistent medical concerns and her resulting inability to perform her duties as an actress during the shoot up to the promotion of the film.

Idinagdag pa nilang si Bela ay consistent box office success the past few years.  Ang pelikula raw nitong 100 Tula Para Kay Stella ay kumita ng Php 130M.  Iyong movie ni Bella na Meet Me in St. Gallen (Php 90M) ay mas kumita kaysa Ulan ni Nadine na nag-gross lamang ay Php 30M.

“We believe that Ms. Bela Padilla is an excellent actress and a bankable star and she will significantly contribute to the film’s artistry and commercial success.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s