LOVELY, na-bash dahil sa mahaba at madamdamin IG post tungkol sa ‘Family History’

NI: Rose Garcia

MAY nam-bash kay Lovely Abella dahil sa mahaba at madamdamin niyang Instagram post tungkol sa napanood niyang Family History.

Magkasama sina Lovely at ang producer, actor, writer at director ng movie na si Michael V sa Bubble Gang.

Talagang binuhos naman ni Lovely ang buong emosyon niya sa naging reaction niya sa movie. Tumodo buhos daw ng emosyon niya, tatawa-iiyak at ang dami raw niyang naging realization.

Sabi pa niya sa post niya, “Kuya Bitoy, sobra kitang iniidolo pero mas sumobra pa ngayon. Iba ka po. Salamat sa magandang pelikula. Guys, yan ang testimonty ko manood kayo para kayo po mismo ang humusga.”

lovely & benj

Eh, may nag-comment sa post ni Lovely na manonood daw sana siya, pero nang mabasa raw niya ang post nito na ayon dito ay ang OA, ‘di bale na lang daw.

Eh, pinatulan din ni Lovely at sinabing, “Mas nakakairita ka sa totoo lang. Pinost na ni @amazingbetong yan!! Nirepost ko dahil yan talaga nararamdaman ko! Pinainit mo ulo ko sa umaga.”

Sa isang banda, katulad ni Michael V, may pelikula rin si Lovely na ipalalabas sa July 31, ang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan naman nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Touch na touch si Lovely dahil sa hindi inaasahang surpresa sa kanya ng manager na si Rams David nang kuntsabahin nito ang ilang kaibigan niya, pati ang fiancee na si Benj Manalo.

Dumating sila sa isang restaurant sa Quezon City na ang alam ni Lovely, may event siyang pupuntahan at nagulat na lang na may pa-surprise palang solo pocket presscon sa kanya for their movie at belated congratulations na rin sa naging engagement niya.

And speaking of engagement, kahit engaged na sila ng four years boyfriend, mga dalawang taon pa raw ang nakikita ng Sunday PinaSaya mainstay para magpakasal sila.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s