Film-Am actress na si Isa Briones, pasok sa TV series sa ‘Star Trek: Picard’

NI: Ruel Mendoza

FOR the first time ay may isang Fil-American actress na makakasama sa bagong TV series ng Star Trek titled Star Trek: Picard.

Ito ay si Isa Briones at gagampanan niya ang role bilang Dahj.

Ang new Star Trek series na ito ay tungkol sa next chapter ng buhay ni Captain Jean-Luc Picard after the events of the final Star Trek: The Next Generation feature film and Star Trek: Nemesis (2002).

Pinakilala si Briones, kasama ng iba pang co-stars niya sa Star Trek: Picard series sa nakaraang 2019 San Diego Comic-Con.

Kasamang humarap ni Briones sa panel ay ang co-stars ni Briones sina Patrick Stewart, Brent Spiner, Alison Pill, Santiago Cabrera, Michelle Hurd, Harry Treadaway and Evan Evagora.

isa briones2

Magpe-premiere ang Star Trek: Picard in early 2020.

Si Isa Briones ay anak ng Pinoy theater and TV actor na si Jon-Jon Briones.

Isa si Jon-Jon sa original cast members ng Miss Saigon in 1989 sa West End London. Last year ay napanood si Jon-Jon sa US mini-series na The Assassination Of Gianni Versace: American Crime Story bilang ama ng serial killer na si Andrew Cunanan, played by Fil-Am actor Darren Criss.

Nagmana si Isa sa kanyang amang si Jon-Jon pagdating sa pag-arte dahil nakasama ito sa touring cast ng musical na Hamilton noong 2018. Nanalo rin ito ng 2018 Ovation Award for her role Natalie in the Next to Normal musical.

Lumabas na rin si Isa sa ilang independent films sa US tulad ng Takers, Brown Soup Thing and Lonely Boy.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s