‘World Class Kababayan’, para sa mga Pinoy sa buong mundo na nagbibigay ng karangalan sa bansa

NI:  Rohn Romulo

MAPAPANOOD na ngayong Sabado, July 27 sa GMA News TV ang World Class Kababayan (Buhay OFW 8), ang bagong public service program ng former actress na si Marissa del Mar kasama ang kanyang anak na si Princess Adriano.

Ang dating sexy star ay isa nang established businesswoman at nag-produce siya ng sariling talk show, ang Up Close and Personal with Marissa del Mar na nasundan ng public service programs na Iyo ang Katarungan at Buhay OFW.

“We would like to show the world na ang mga Pinoys all over the world, they’re bringing pride to our country.

world-class ofw

“World class kababayan sila. They’re so very successful, patient hardworking, strong-willed,” sabi ni Marissa.

“Sila yung mga determined na maging successful para sa family nila.

“Sabi nila, we are the bagong bayani, kami ang mga modern heroes, but they’re not treated well and that’s the reason why we launched the Anti-Trafficking OFW movement with President Rodrigo Duterte and the biggest organizations of the land, para tumulong sa ating anti-trafficking advocacy.”

Dagdag pa niya, “World Class Kababayan will be the medium para malaman ng ating mga kababayan na marami ang mga nagmamahal sa kanila.

“Na nandito lang ang World Class Kababayan para umagapay sa kanila at puwede nila kaming takbuhan.

“We are connecting with different government agencies like DILG and DOLE para mas mabilis kaming makatulong sa ating mga kababayan.”

At para sa pilot episode ng World Class Kababayan special guest sina Diana Zubiri, Rayver Cruz at ang international fashion designer na si Rocky Gathercole.

word-class-marissa & princess

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s