Michael V, ‘di lang mahusay na aktor dahil pasado rin na direktor; ‘Family History’, maraming makaka-relate

NI:  Rohn Romulo

ANG dami naming tawa at naiyak, mga ’46x’ sa heart-warming movie na Family History na perfect mix ng drama, romance at comedy.

Ang Family History ay mula sa panulat ni Michael V na siya rin ang nag-direk at nag-produce.

“I’m really proud of this movie.  Gusto kong ma-share ito sa maraming tao.  Gusto kong ipakita na kahit sinong tao can do something like this.  It’s a story I really want to tell.  Hopefully, you learn something from it.  It’s a very special project for me,” pahayag ng multi-awarded comedian.

Napakahusay nina Michael V at Dawn Zulueta na for the first time ay nagkatambal sa isang pelikula na kung saan gumaganap silang mag-asawa.

FH-Dawn-and-Michael

Kasama ng ‘BiDawn’, ang nakakakilig pa ring tambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix na binigyan din ng highlights sa pelikula.

Idagdag pa ang bonggang support sa movie nina Paolo Contis, Nonie Buencamino, Kakai Bautista, Ina Feleo at John Estrada.    

At may bonus pa, ang nakatutuwang special cameo appearances nina Dingdong Dantes and Eugene Domingo.

Infairness ang ganda ng pagkaka-direk ni Michael V, maganda rin ang cinematography, editing at production design, pati ang paglapat ng musika at ang themesong na siya rin ang nagsulat.

FH-cast

So, halos lahat ng nakapanood na ay iisa ang verdict, pang-best picture ang  Family History at lalaban din sa acting categories.

May nag-comment pa nga ng panghihinayang na sana raw ay isinali na lang ito sa 2019 MMFF, for sure, makakapasa ang family drama sa panlasa ng mga hurado, dahil marami ang makaka-relate na moviegoers.

Showing na nationwide ang isang may kabuluhang pelikula na mula sa GMA Pictures at Mic Test Entertainment.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s