MAINE, umangkas at sinuong ang malakas na ulan makapanood lang ng concert; Arjo, sobrang supportive sa kanyang ‘babs’

BY: Rohn Romulo

SPOTTED na naman ang mag-sweethearts na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza last Wednesday, July 24 na kung saan sinuong nila ang malakas na ulan mapakanood lang ng LANY concert sa MOA Arena.

Sa Twitter post ni Maine, “Nakipagunahan ako bumili ng LANY tickets noon tapos may biglaang taping ngayon? Ang shaket shaket. Enjoy sa lahat ng pupunta tonight. I-hi niyo nalang ako kay @pauljasonklein. #MalibuNightsMNL.”

Kasunod na entry post ni Maine, “Magtataping pero hindi susuko! Dibale nang dugyot basta #LabanLANY!!!”

“Nairaos! Pakiramdam ko may hinabol akong jowa na paalis ng bansa. Iba kayo, @thisisLANY! Hindi ko to nagawa kay Chris Martin.. baka magtampo. Anyway, you guys were amazing! Thanks for giving us a great show! Til the next! 💗 #LANYLiveInMNLDay2″

arjo-maine2

Nakakabilib ang ginawa nina Arjo at Maine na umangkas sa motor, na umuulan para umabot lang sa concert, dahil sa alam naman ng lahat na napaka-trapik papuntang MOA.

Kaya naman, nag-post din si Arjo sa kanyang Twitter nang “More and more memories with you babs ❤️ one for the books!  #LANYLiveInMNLDay2.”

May Instagram post pa nga ang award-winning actor na pagpapakita ng kanyang labis na pagmamahal kay kay Maine, “I love you so bad, babs.” pero ilang minuto lang ay inedit din niya, pero may makakaligtas ba sa mga naka-abang, dahil na-screenshot na agad ang kanyang post.

Marami naman ang natuwa sa muling pagdi-date ng dalawa, pero hindi mawawala ang nagni-nega pa rin at hindi matanggap ang kaganapan sa lalo pang gumagandang relasyon ng ArMaine.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s