Julia, parang walang nangyari at hindi apektado sa isyu; nakapag-post pa na ang saya-saya

NI: Rose Garcia

PARANG nananadya si Julia Barretto kung kailan alam niyang ang dami niyang bashers at nagko-comment ng mga negatibo sa kanya, saka naman siya nagsunod-sunod ng pagpu-post sa kanyang Instagram account na mag-update.

Sa mga post nito, parang walang nangyayari at tila ipinaparating yata sa mga tao na hindi siya apektado sa mga pagnenega sa kanya.

Sa larawan n ipinost ni Julia ay ang saya-saya pa ng hitsura niya dahil sa malapit ng paglipat niya.

“Enjoying the last few weeks in my bed before I move into my own home… nervous about the big responsibility but I am ready and excited for this new chapter in my life.

“So thankful, so blessed,” ang caption ni Julia.

Julia Barretto 1

Hindi namin alam kung nang-iinis ba siya na nagpapakapositibo sa kanyang mga post na parang walang pakialam.

She’s fully aware naman siguro sa issue at kahit wala namang tinukoy si Bea Alonzo sa kanyang “enough” post, the mere fact na siya ang nadididiin ay sapat na para maalarma siya.

How can she be happy na may mga nagagalit sa kanyang mga tao? Sa halip na sagutin kahit paano ang issue ay nakakapag-post pa siya na excited siya at masaya.

Sabihin na nating hindi totoo ang issue, all the more na dapat siyang magsalita para hindi patuloy na lumaki at maakusahan siya ng kung ano-ano. Kung totoo naman, dapat ba siyang maging masaya na may nasaktan siyang kapwa-babae?

Totoo man o hindi, mas maganda sigurong i-address ni Julia at bigyang linaw ang lahat kesa yung parang dedma lang siya, pero ang nanay niya na si Marjorie Barretto at ama na si Dennis Padilla ang mga nagsasalita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s