Dingdong, nilinaw na hindi si Marian ang magiging leading lady sa ‘D.O.T.S.’; ‘Unsung Heroes’ sa entertainment industry, binigyan ng pagpapahalaga

NI: Rohn Romulo

PINANGUNAHAN ni Kapuso Primetime King at YesPinoy Foundation Inc. Chairman Dingdong Dantes ang five-day training program para sa local stunt actors and directors sa bansa.

Sa pakikipagtulungan ng Stunt Association of the Philippines (SAP) at Seoul Action School-Korea para sa first ever international project dubbed as Project #BeScene.

Ang mga stunt actors ay isa sa grupo ng “unsung heroes” sa entertainment industry.

Ayon sa naging bahagi ng speech ni Dingdong sa graduation ceremony na ginanap last Sunday, July 21 a GMA Network, “Ang layunin nito is to honor the unsung heroes ng ating industry.

“’Pag sinabing unsung heroes, hindi ba ang ating mga stuntmen, sila parati ang tinatawag, o kayo, ang frontliners.

“Kayo parati ang nasa background pero madalas ang buhay niyo is at risk, ang buhay ay nasa peligro.

“Kaya #BeScene, dahil sa pagkakataong ito kayo naman ang gusto nating ilagay sa limelight.

“Kayo ang gusto namin i-recognize and we want you to be seen that’s why we are recognizing you dahil nakikita namin na may magandang future sa industriyang ito lalong lalo na sa sektor ng ating stuntmen.”

mark, alfred, brian & dingdong

Dagdag pa ni Dingdong, “Hindi lang isa ang naniniwala sa inyo.

“Lahat ng taong nasa harapan dito ngayon naniniwala sa inyo at gusto namin kayong bigyan ng isang magandang oportunidad.

“Sa dulo, gusto natin ng good quality of life. At para magkaroon ng good quality of life, gusto natin ng good quality of work.”

Sa naturang graduation ceremony, dumating sina Quezon City 5th District Representative Alfred Vargas, Mark Lapid (para kay Senator Lito Lapid), Brian Poe Llamanzares (para kay Senator Grace Poe Llamanzares), David Fabros mula sa Film Development Council of the Philippines, kasama rin ang mga coaches and trainers from Seoul Action School-Korea.

Samantala, natanong naman si Dingdong kung may napili nang leading lady para sa Descendants of the Sun na magsisimula na ang taping anytime this week.

At marami pa rin ang umaasa na si Marian Rivera ang mapipili ng GMA network dahil bagay na bagay daw ito para sa role.

“Meron na pero hindi pa yata puwedeng i-announce,” nakangiti niyang tugon.

“Sabay-sabay naman tayo, kaya antayin n’yo na lang ang announcement.”

Dong special forces

May pahayag kasi si Marian, na kung babalikan siya, baka pwede niyang pag-isipan, pero mukhang wala na ngang pag-asa ang natupad ang wish ng mga fans na muling magkasama ang mag-asawa sa isang teleserye.

“Mag-i-start na kami next week ng taping.  So, hindi talaga siya,” pag-amin pa ni Dong.

Diin pa niya, hintayin na lang announcement this week, at kung tatama ba ang hula na baka naman si Jennylyn Mercado talaga ang napiling leading lady.

Inamin din ni Dingdong na nahirapan siya sa training para sa remake ng ‘D.O.T.S.’ at parang gusto na niyang mag-give up.

“Aaminin ko na to a certain point, parang hindi ko na kaya.  Ang tagal na ng huli kong training, 2006 pa.

“Parang naisip ko na sumuko, parang sandali, pero hindi, kinaya ko naman.

“‘Yun teamwork n’yo, yun ang nagdala sa two days namin sa training na specialized programs.

“Sa pinakamahirap, ayokong magbigay ng details, pero siguro yun tulog, kahit sanay na ako ng walang tulog, pero iba kasi ang condition doon.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s