Tambalang Kathryn at Alden, wini-wish na maka-break ng box-office record

NI:  Rose Garcia

IBANG klase ang promotion ngayon na ginagawa ng Star Cinema para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.

Halos buong buwan yata ang promotion nila at kasama na rito ang mga mall shows at out-of-town shows. Same goes with the two guestings at both rival networks.

Kumbaga, full blast.

May nakausap din kami na alam ang schedule ni Alden at talaga nga raw ang daming sched for the promo. Makikita mo na talagang all-out ang suporta sa pelikula ng Star Cinema at personally, wish din namin talaga na sana ay maka-break ito ng box-office record.

kath den

Sa taong ito, parang wala pa kaming alam na local film na talagang nag-hit. So, sana ang Hello, Love, Goodbye na nga ito na showing sa July 31.

Pero bago ito, meron din ang Family History na ipalalabas bago ang HLG. Sa July 24 na ang showing ng pelikulang isinulat, dinirek at prinodyus ni Michael V. at co-prod ang GMA Films.

So, sana nga pareho itong tangkilikin ng mga Filipino movigoers. Hangga’t meron at meron pa rin nagsusugal sa local movies, sana ay maging hamon din ito sa mga manonood na tangkilikin talaga.

Madalang na halos na sa isang buwan, may dalawang malaking local films na magkasunod na mapapanood.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s