RERE, gustong ma-vote-out ng mga girls at parang napagkakaisahan

NI:  Rose Garcia

PUMANGALAWA sa may mataas na rankings among the Top 7 hopefuls ng StarStruck batch 7 noong weekend ang nakababatang kapatid ni Ruru Madrid na si Rere Madrid.

Nanguna si Pamela Prinster at natanggal naman si Crystal Paras.

Eh ang siste, nang tanungin ang mga girls kung sino ang gusto nilang ma-vote-out, ang kapatid ni Ruru ang parang napagkaisahan ng mga ito. May kanya-kanya silang hanash kay Rere.

At sa kanilang lahat, mukhang si Pamela ang pinaka-may isyu kay Rere. Bago naman matapos ang episode noong Linggo ay nagka-usap at nagka-ayos na raw ang dalawa.

Nagbigay rin ng kanilang advice ang dalawang StarStruck councils na sina Cherie Gil at Heart Evangelista.

rere ruru rmadrid

Mukhang matindi ang competition ngayon sa StarStruck, lalo na sa mga girls. Naalala namin nang ma-interview namin si Rere at nabanggit na niya yung pressure at yung sinasabihan siya ng mga kapwa hopefuls na dahil kapatid niya si Ruru, sure winner na siya.

Tila apektado si Ruru sa nangyayari sa kapatid kaya napa-tweet ito ng suporta at pagbibigay ng assurance kay Rere na kahit daw may ayaw rito, ‘wag hayaan ang mga ito na maging hadlang para ituloy nito ang pangarap.

Sabi ni Ruru, “Wag mong hayaang pigilan ka ng mga taong may ayaw sayo na makarating sa rurok ng tagumpay, bagkus ay gamitin mo sila upang lalo kang magpursigi at mapatunayan sa kanila na karapat dapat ka para sa mga bagay na meron ka ngayon. I love you Rere ! @Athenamadrid6″

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s