MARIAN, balik-‘Tadhana’ na; palaisipan kung tatanggapin na maging leading lady ni DINGDONG sa ‘D.O.T.S.’

BY: Rohn Romulo

“SHE is back! Balik “Tadhana” po si @marianrivera – Abangan ang mga bagong OFW stories tuwing Sabado sa GMA. Salamat @kulturafilipino #BeshieAlert #TeamTripleA #DantesSquad #MarianRivera,” ito ang post ni kanyang manager na si Rams David.

Sa pagkakaalam namin, meron pang natitirang episodes na nai-tape si Dingdong Dantes na pansamantalang humalili kay Marian noong nanganak ito kay Ziggy o Sixto IV, kaya aabot pa ito hanggang sa buwang ito.

Almost three months na ang kanilang baby boy at nakapagpahinga na si Marian, kaya ready na uli siyang mag-host ng Tadhana and soon babalik na rin siya sa Sunday PinaSaya.

Pero ang malaking palaisipan ngayon ay kung tatanggapin o kakayanin ba niya na magbalik-teleserye at makasama ang asawang si Dingdong sa Descendants of the Sun na this month ay magsisimula nang mag-taping.

Marami kasing netizens ang humuhulang si Marian ang magiging leading lady ni Dingdong, dahil mukhang hindi na uubra si Jennylyn Mercado na may rom-com pa ito na umeere ang Love You Two na nag-i-enjoy na magandang ratings.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s