Jane de Leon, sobrang na-shock nang napili sa iconic role na ‘Darna’; kinabog ang almost 300 celebrities

NI:  Rohn Romulo

“WE have found a new Darna!”, ito ang naging opening statement ng ABS-CBN Films’ managing director na si Olivia Lamasan nang tanungin siya ng ABS-CBN News sa latest update ng Darna project.

“We have found a new Darna and she is none other than Jane de Leon!”

Almost 300 celebrities daw ang nag-audition para sa iconic role from Star Magic to Starhunt to talent scouts and camps.

Si Jane na 20 years old at exclusive talent ng Star Magic, lumabas na sa ilang TV projects, at isa na rito ang Halik na kung saan gumanap siyang kapatd ni Jericho Rosales na si Maggie Bartolome.

Nakalabas na rin siya sa 2017 fantasy drama series na La Luna Sangre bilang isa sa moonchasers at naging bahagi ng girl group na Girltrends ng It’s Showtime.

Dinescribe naman ng Darna director na si Jerrold Tarog si Jane as an instinctive actress.

“Pinresent na si Jane sa amin a couple of years ago, and among all the 13 noon na Mr. M (Johnny Manahan) presented from Star Magic, natatandaan ng isang talent handler na ‘Inang. napansin mo na siya noon, itong batang ito pwedeng sumali ng beauty pageants. And then I saw her again in ‘Halik.’ Sabi ko, ‘itong batang to, meron.’ There’s something about her,” pahayag ni Olive.

jane de leon (2)

After a series of callbacks, prinesent na ng direktor ang audition tapes sa ABS-CBN management for deliberation at nang tanungin kung sino ang choice niya, pinili nga niya si Jane at ayon naman kay Olive, “it was a unanimous decision.”

“Natuwa nga ako na isa siya sa mga nag-audition. Sabi ko ay there’s something about her. Pati si Direk Lauren (Dyogi) said there’s something about her. Bilang filmmakers, may nakikita kami.”

“Malakas ang instinct ng bata,” sabi pa niya.

“‘Yung Darna story natin ngayon is a genesis story, a coming of age. Ang requirement talaga is somebody na young and with an air of innocence but at the same time a strength of character.”

Sa final deliberation, tinanong ng ABS-CBN management si Jane kung gaano siya ka-committed na makuha ang role.

Sagot niya, “I will do everything and anything for the role because I believe in her, I believe in what Darna stands for.”

Sobra namang na-shock si Jane nang sabihin sa kanya ni Direk Olive na, “Handa ka na ba? Handa ka na bang hawakan ang bato? Handa ka na bang Darna? Dahil binibigay na namin sa ‘yo ang Darna.”

Tiyak na mababago at ikasisikat niya nang husto na siya ang napakaswerte na napiling lunukin ang bato at sumigaw ng ‘Darna!!!’

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s