NADINE, ni-reveal na hindi siya nag-audition para sa iconic role na ‘Darna’

NI:  Rohn Romulo

NI-REVEAL na nga ni Nadine Lustre na hindi siya nag-audition para sa iconic role na Darna.

Si Jane De Leon nga ang napili ng Star Cinema bilang replacement ni Liza Soberano sa upcoming revival ng Filipino superhero.

Sa kanyang interview sa “The Source” ng CNN Philippines ni-reveal niya na ‘di siya nag-audition kahit siya ang gusto ng mga fans at maging si Erik Matti, ang unang direktor ng Darna na maging kapalit ni Liza.    Maging si Lorna Tolentino ay nagpahayag na gusto niya si Nadine na maging Darna.

“Honestly, I’m just really honored that people like parang they want me to be their Darna kasi I didn’t put any effort for the movie, I didn’t audition or anything,” sabi niya.

DSCF9481

Dagdag pa niya, “To be compared or to be likened kay Darna na, you know, independent, powerful, it’s really nice.”

Last May naman, nag-viral ang video ni Nadine na kung saan sumigaw siya ng “Darna!!!” ang video ay in-upload sa YouTube channel ng fellow Viva artist na si Donnalyn Bartolome.

Samantala, muli tayong pabibilibin ng Multimedia Princess sa pinaka-epic dance movie ng taon, ang Indak na pagtatambal nila ni Sam Concepcion na hatid ng Viva Films at ipalalabas na sa August 7.

Mula ito sa direksyon ng number one concert director na si Paul Alexei Basinillo.  Kinunan ang dance movie sa magandang isla ng Bantayan, Cebu at sa South Korea.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s