KORINA, sobrang professional na nag-host pa rin ng ‘3rd Eddys’ kahit na-sprain; balikan ang mga maningning na eksena sa awards night

NI:  Rohn Romulo

BALIKAN ang masaya, maningning at makasaysayang mga eksena sa katatapos na 3rd Entertainment Editors’ Choice o The Eddys ngayong Linggo, alas-nuwebe ng gabi, sa Colours Channel  60SD at 202HD ng Cignal TV.

Katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairperson Liza Dino, espesyal ang Filipiniana edition ng Eddys ngayong 2019 na ginanap sa New Frontier Theater (Home of the Eddys) dahil sa pakikiisa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino.

Wagi sa best actor category si Dingdong Dantes (Sid and Aya), Kathryn Bernardo (best actress para sa The Hows of Us), Max Collins (best supporting actress, Citizen Jake), Arjo Atayde (best supporting actor, Buy Bust), Joel Lamangan (best director, Rainbow’s Sunset) at Liway (best picture).

Bukod sa acting at technical awards, kinilala rin sa 3rd Eddys ang “unsung heroes” at ilang beteranong alagad ng sining sa Parangal sa Sandaan portion na in-anchor ng Palanca-award winning TV host-journalist na si Lourd de Veyra.

Kabilang sa honorees ang tatlong malalaking film studios na LVN Pictures, Sampaguita Pictures at Premiere Productions.

Nagsama-sama rin sa entablado ang mga gaya nina Lucy Quinto, Pepito Rodriguez, Lorli Villanueva, Digna Santiago at marami pang iba.

Nagbigay-pugay din ang SPEEd sa pamamagitan ng isang montage sa yumaong screen legend na si Eddie Garcia, isa sa Eddys Icon awardees ng 2018.

Katuwang naman si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista, pinangunahan ni SPEEd President Ian Fariñas ang pagkilala sa 2019 Eddys Icon awardees na sina Amalia Fuentes (ni-represent ng apong si Alfonso Muhlach), Anita Linda, Dante Rivero, Christopher de Leon, Tirso Cruz III, Eddie Gutierrez, Celia Rodriguez, Lorna Tolentino, Vilma Santos at Joseph Ejercito Estrada (na tinanggap ng anak niyang si dating Senador Jinggoy Estrada).

Samantala, agaw-eksena ang naging pagtanggap ng aktor-producer na si Piolo Pascual sa Rising Producers’ Circle Award kahati ang T-Rex Entertainment ni Rex Tiri nang bigla siyang sumulpot sa stage ilang saglit matapos ang awarding dahil naglagare mula sa advance taping ng isang noontime variety show.

First time nag-host ng isang awards night for movies ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas, na sa sobrang professional ay itinawid pa rin ang commitment sa The Eddys sa kabila ng pagkaka-sprain isang araw bago ang gabi ng parangal.

Pinuri rin at pinalakpakan ang ‘di matatawarang performance ng Pop Diva na si Kuh Ledesma at nina Ice Seguerra, Aicelle Santos, Gerald Santos, Rayver Cruz, Hashtag Rayt, Bituin Escalante, Lara Maigue, Rita Daniela, Jem & Andrea, Sean Oliver, RJ dela Fuente, BOU at Acapellago.

Eddys-19-speedEddys 19-Parandal 100

Ang Kapuso artists na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin ang nagsilbing red carpet hosts.

Presented by Echo Jham Entertainment Productions, headed by May Alma Arenas, and Cignal TV, ang Eddys 2019 ay pinamahalaan ng mahusay na direktor na si Calvin Neria.

Sinuportahan din ang 3rd Eddys ng mga sumusunod: Manila Genesis Entertainment, Soundcheck, PLDT Home, Beautederm, Unilab, Novotel, Snail White, Kultura, Megasoft Hygienic Products, Sisters Pantyliners, Cherub Baby Care, GSM Blue, DMCI, Gandang Ricky Reyes, Fernando’s Bakeshop, Nature’s Spring, Petalier, Stratworks at Yoshinoya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s