Tirso, hindi totoong tinanggihan na makasama sa pelikula si Nora

NI:  Ricky Calderon

AYON kay Tirso Cruz III, na Icon awardee ng Eddys, hindi raw totoo na  tinanggihan niyang makasama sa pelikula si Nora Aunor na entry ng Heaven’s Best Entertainment Productions na ididirek ni Joel Lamangan.

“Maraming beses na kami nagkasama ni Nora sa pelikula at walang dahilan para tanggihan ko siya na makasama sa isang project,” sabi ni Tirso sa awards night ng Eddys.

“Marami na rin kaming ginawang movie ni Direk Joel and I would love to work with him again. Never ko siya tinanggihan.”

nora tirso

Sabi ni Tirso, masyadong hectic ang kanyang schedule kaya hindi niya makakayang tanggapin ang offer ng Heaven’s Best. Busy siya sa taping ng The General’s Daughter (kung saan napakahusay niya) and worried siya na baka magkaaberya ang shooting ng pelikula if ever ito ay tanggapin.

Ayaw naman daw ito gawin kung hindi niya mabibigyan ng enough time. Alam naman ni Pip na may deadline na hinahabol ang filmfest entry.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s