Dingdong, tinanghal na Best Actor sa ‘3rd EDDYS’; Kathryn, Arjo at Max, ‘no show’ para tanggapin ang award

NI:  Rohn Romulo

NAGING matagumpay at mabituin ang katatapos na The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) 2019 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap sa New Frontier Theater na kung saan ang nagsilbing host ang batikang broadcast journalist na si Ms. Korina Sanchez-Roxas.

Maaga pa lang ay nagsipagdatingan na ang mga nominees, honorees at presentors na kung saan dumaan sila sa red carpet para sa pictorials at nag-aabang naman ang mga hosts na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin para sa short interview bago pumasok sa venue.

Applauded ang isa sa highlight na nagbukas ng awards night, ang pagbibigay ng tribute sa EDDYS Icon Awardee na si Eddie Garcia na kung saan binalikan ang mga nagawang pelikula sa halos pitong dekada.

Pinalakpakan din nang husto ang opening number nina Lara Maigue, Rita Daniela, Acapellago, Hashtag Rayt, Rayver Cruz, Bituin Escalante at Aicelle Santos.

Si Lourd de Veyra ang nag-anchor para sa pagbabalik-tanaw sa makasaysayang ika-100 taon ng Pelikulang Pilipino.

At para sa selebrasyon na ito ipinagkaloob ng 3rd EDDYS at FDCP sa pangunguna ni Chair Liza Dino-Seguerra ang ‘Parangal sa Sandaan’ na iginawad kina Marichu Vera Perez-Maceda for Sampaguita Pictures, Maroth de Leon for LVN Pictures, Digna Santiago for Premiere Productions Inc., Armida Siguion Reyna (Posthumous), Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio, Rosa Rosal, Tommy Abuel, Pepito Rodriguez, Perla Bautista, Lorli Villanueva, Odette Khan at Tony Mabesa.

Ikalawang taon naman ng Eddys ang pagbibigay ng pugay sa Philippine Icons na kinabibilangan nina Anita Linda, Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph ‘Erap’ Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, at Lorna Tolentino.

Kasama rin sa nagtanghal sina Ice Seguerra, Gerald Santos, Jem Cubil, Andrea Babierra, Sean Oliverph, Both of Us (B.O.U.) at si Ms. Kuh Ledesma,

Ikinatuwa ng bumubuo ng SPEEd at EDDYS ang pagdalo nina Dingdong Dantes at Piolo Pascual na magkalaban sa Best Actor category.       Personal ngang natanggap ni Dingdong ang kanyang Best Actor trophy at si Piolo naman ay nakahabol para i-accept ang special award para sa Spring Films na isa sa awardee ng Rising Producers’ Circle.

Sayang nga lang at hindi na kinayang makapunta si Kathryn  Bernardo na waging Best Actress.  Wala rin sina Arjo Atayde at Max Collins para tanggapin ang kanilang best supporting actor at actress trophy.

Naririto ang complete list ng 3rd Eddys Choice:

  • BEST PICTURE: “Liway” (Alemberg Ang)
  • BEST DIRECTOR: Joel Lamangan (“Rainbow’s Sunset”)
  • BEST ACTRESS: Kathryn Bernardo (“The How’s of Us”)
  • BEST ACTOR: Dingdong Dantes (“Sid and Aya”)
  • BEST SUPPORTING ACTRESS: Max Collins (“Citizen Jake”)
  • BEST SUPPORTING ACTOR: Arjo Atayde (“Buy Bust”)
  • BEST SCREENPLAY : Zig Dulay and Kip Oebanda (“Liway”)
  • BEST IN CINEMATOGRAPHY: Yam Laranas (“Aurora”)
  • BEST VISUAL EFFECTS: Gem Garcia and Ernest Villanueva (“Aurora”)
  • BEST MUSICAL SCORE: Paulo Protacio (“Bakwit Boys”)
  • BEST PRODUCTION DESIGN: Roy Lachica (“Goyo: Ang Batang Heneral”)
  • BEST EDITING: Chuck Gutierrez (“Liway”)
  • BEST THEME SONG: “Maybe the Night” by Ben & Ben (“Exes Baggage”)
  • BEST SOUND: Aian Louie Caro and Pierre Marco Javier (“Bawit Boys”)
  • JOE QUIRINO AWARD: Cristy S. Fermin
  • MANNY PICHEL AWARD: Ethel A. Ramos
  • PRODUCER OF THE YEAR: Star Cinema
  • RISING PRODUCERS CIRCLE: T-Rex Entertainment and Spring Films
  • LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD: Elwood Perez
  • POSTHUMOUS AWARD: Dolphy
  • BeauteDerm Red Carpet Choice: Lorna Tolentino
  • EDDYS ICONS: Anita Linda, Joseph ‘Erap’ Estrada, Amalia Fuentes, Eddie Gutierrez, Celia Rodriguez, Dante Rivero, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Lorna Tolentino and Christopher de Leon.

Ang ikatalong taon ng The EDDYS ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, presented by Cignal TV at mapapanood sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa July 21, 9 PM at mula sa napakahusay at kapuri-puring direksyon ni Calvin Murphy Neria.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s