Lee Seung Gi, sa Taiwan naman magpapakilig after ng Japan, umaasa na next na ang Pilipinas sa Asian Tour

NI: Rose Garcia

MAHIGIT isang Linggo na nang mag-attend kami ng kauna-unahang fan meeting ng totoong ‘Triple Threat Star’ sa South Korea na si Lee Seung Gi.

Sa Chiba, Japan ginanap ang first stop ng 2019 Lee Seung Gi Asia Tour Fan Meeting Vagabond Voyage in Japan.

Ang next stop ay sa Taiwan on July 20. At mukhang this time, mukhang mas marami-raming bansa sa Asia ang posibleng ikutan nito.

Mahigit 2,000 ang capacity ng Morino Hall pero punong-puno ito. Unang beses naming naka-attend na via lottery ang pagbili ng tickets at pagkakaroon ng seats. Kaya isang price lang lahat at walang chance na mamili ng upuan.

Katulad ng dalawang nauna naming fan meeting experience sa kanya, sa Thailand at Singapore noong 2018, sobrang sulit pa rin ang pera, trip at effort na maka-attend ng fan meeting niya. Isa na yata si Seungi sa may magandang fan service talaga.

Napakaraming nakaka-appreciate kung paano niya pahalagahan ang mga fans tulad nang paghahanda niya ng mga never-before-seen videos na sa fan meeting niya lang unang isini-share.

Nandiyan ang behind-the-scenes sa much-awaited big budgetted k-drama niya na Vagabond na ipalalabas sa September at mapapanood worldwide through Netflix streaming.

lee-3lee-seung-gi-vagabond

Nagpasilip ito ng kanyang topless shower scene at talaga naman ang six pack abs na nagpa- “ohhhh” na lang sa mga fans.

Very proud si Lee Seung Gi sa Vagabond at nasabi nitong kung magsa-surpass daw ng 35% ang ratings ng drama ay magri-release raw siya agad-agad ng album.

Obviously, alam na alam nito kung ano ang weakness ng mga fan niya na kung tawagin niya ay “Airen” which means “the one I Love” in China. Knows niya kasi na halos magmakaawa na ang mga fans na gumawa na siya ng comeback album.

Dahil napakahusay na singer, isa sa mga inaabangan at talagang para kang nag-attend ng mini-concert ay ang performance niya. Bukod sa opening niya na debut song na “Because You’re My Woman,” apat na kanta pa ang ginawa niya bago ang inihanda niyang touching message niya sa mga fans.

Surpresa raw niya sa mga Airen ang ipinarinig na new arrangement ng kanta niyang “Delete.” And the all-time favorite na mga hit songs niya tulad ng “Return,” “Smile Boy” at “Let’s Go on Vacation.”

Sa ngayon, positibong umaasa ang mga Airen Philippines na makasama ang Pilipinas sa Asian Tour niya dahil sa loob ng ilang taon, talagang inaabangan na ang actor/singer/host sa bansa ng kanyang mga fans.

Ang huling drama ni Lee Seung Gi na ipinalabas sa bansa ay ang Hwayugi na ipinalabas sa ABS-CBN noong isang taon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s