DINGDONG, sinisigurong makikilala na this month ang leading lady sa ‘D.O.T.S.’

NI: Rose Garcia

KUNG ang ingay at interes ng mga tao ngayon sa Descendants of the Sun dahil sa naging hiwalayan at pagpa-file ng divorce ng SongSong couple (no more!) na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo ang pagbabasehan, mukhang posibleng mag-benefit din ang Pinoy adaptation nito na mapapanood sa GMA-7 at pagbibidahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Tinanong nga namin si Dingdong tungkol dito at sabi naman ni Dong, “Hindi ko alam at hindi ko masasabi and I think, hindi naman natin mapi-predict yun and we don’t want to anchor to that.”

Napanood ni Dingdong ang buong D.O.T.S. at kahit ito, aminadong naging fan ng drama.

Nag-storycon na ang D.O.T.S. noong isang araw at bukod sa una nang lumabas na kasama sa cast na sina Jasmine Curtis at Rocco Nacino, ipinakilala na rin ang iba pang Kapuso na kasama sa cast tulad nina Paul Salas, Prince Clemente at iba pa.

dingdong-jasmine-rocco

Ayon kay Dingdong, ngayong July na raw sila magsisimula ng taping at sinigurado rin nito na this month, may maipapakilala ng leading lady niya sa serye.

Imagine, nakapag-storycon na at lahat, pero mystery pa rin kung sino ang gaganap bilang si Dra. Kang o Beauty. Although, maingay naman talaga ang balitang si Jennylyn Mercado talaga at hindi lang mai-reveal pa dahil sa kasalukuyan pa nitong primetime series na Love You Two.

Eh, may narinig pa kami na baka mag-alangan pa raw si Jennylyn dahil may movie itong gagawin with Coco Martin na pang-MMFF. But since hindi sila pumasok sa MMFF, ‘di-malayong magkaroon na ng oras si Jennylyn na gawin ang D.O.T.S.

Anyway, nakausap namin si Dingdong sa launching niya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Caltex.

Jennylyn-Mercado

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s