Rayver, aminadong matatakutin din katulad ng mga kasama sa teleserye

NI: Nora V. Calderon

IT seems ang bagong afternoon prime suspense-drama series ng GMA Network, ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko, ay ibinigay sa cast para mawala ang takot nila sa ganitong genre ng show.

Bawat member ng cast kasi ay sinasabing matatakutin sila at ginagawa nila ito hoping na mao-overcome nila ang takot kapag nanonood sila ng horror-movie or teleserye at lalo ngayon na heto na at hindi lamang sila manonood, gagawin pa nila ang mga nakakatakot na eksena.

Isa sa cast, ang only male sa main lead stars, ay si Rayver Cruz, na sa story, ang dating namatay nang girlfriend na si Kris Bernal ay ayaw siyang patahimikin, matapos niyang pakasalan ang childhood sweetheart niyang si Megan Young.

GROUP (3)

Natatakot ba si Rayver sa paggawa ng eksena na kasama si Kris, may nararamdaman ba siya?

“Matatakutin din po ako,” sabi ni Rayver.

“Wala po naman akong nararamdamang kakaiba kapag magkaeksena kami ni Kris.  Hindi ko po alam kung ano dapat ang maramdaman ko, pero kung kasingganda naman ni Kris ang kaeksena ko, why not?  Ang ganda-ganda yata ni Kris,” dagdag pa ni Rayver.

Comfortable na raw siyang kaeksena si Kris dahil sa first teleserye niya sa GMA, si Kris ang katambal niya sa Asawa Ko, Karibal Ko.  Iyon nga lamang iba ang kuwento nila ngayon kaysa romantic-drama nila noong una.

RAYVER CRUZ 2

Kamakailan din lamang pumanaw ang Mommy Beth ni Rayver kaya natanong siya kung hindi ba siya dinadalaw ng Mommy niya? Nabanggit ni Rayver na sa July 20 ay birthday niya first time na wala na ang ina.

“Hindi po naman. Kasi noon ko pa sinabi sa kanya na huwag niya akong dadalawin, kaya laging sa dream ko siya nakikita, saka hindi siya iyong noong maysakit na siya. 

“Ang napapanaginipan ko iyong dati niyang bubbly self.  Iyong huling nanaginip ako sa kanya, masaya siya, magkayakap kami pero umiyak ako.  Nang magising ako, umiiyak ako talaga.”

Ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko ay magkakaroon ng worldwide premiere on Monday, July 22, after ng Eat Bulaga, at mapapanood ito Mondays to Saturdays.

Papalitan nila ang magtatapos na ring fantasy-action drama series na Dragon Lady ni Janine Gutierrez.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s