Kathryn, muntik nang mag-walk out sa movie nila ni Alden; Daniel, itinago muna nang dumalaw

NI:  Rohn Romulo

INAMIN ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina na talagang pinahirapan niya sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para mailabas ng dalawa ang kanilang characters bilang OFW sa Hello, Love, Goodbye na kinunan sa Hong Kong.

Aminado naman si Kathryn na ang role niya bilang Joy na isang domestic helper ang pinakamahirap at most challenging role na ginampanan na kung saan dumaan ang talaga ang  Kapamilya actress sa matinding immersion.

Bawal siyang makipag-usap sa set at lahat siya ang pinapagawa, para maramdaman niya ang hirap ng isang domestic helper na nagtatrabaho sa Hong Kong.

Tinorture din siya sa pagbabawal na gumamit ng cellphone habang kukunan ang pinakamahirap na eksena sa pelikula na kinunan sa pier.

kathniel (2)

Sa sobrang hirap na kanyang pinagdaanan ay muntik na siyang mag-work out at ‘wag nang tapusin ang pelikula na hindi talaga naging madali sa kanilang ni Daniel Padilla.

“Hindi siya naging para sa amin pareho, malaking adjustment po siya lalo na kay DJ.  Pero hindi siya nagkulang sa suporta at doon ko siya lalo na na-appreciate.

“Kasi nung first week ko, umiiyak ako every night, parang gusto ko nang magpa-book ng tiket pauwi, kasi ayaw ko ng tapusin ang movie dahil hirap na hirap na ako.”

At dahil nga nag-aalala na si Daniel ginusto na lang nilang puntahan si Kathryn sa HK, ang problema lang napaaga ang dating ng boyfriend kay itinago na lang muna, dahil ayon kay direk hindi puwedeng sumaya si Kathryn habang di nakukunan ang mabigat na eksena.

Samantala, mahigit 100 block screenings na raw ang ipina-schedule ng fans nina Kathryn at Alden na ipalalabas na nationwide sa July 31.

Umaasa ang taga-Star Cinema na susuportahan din ito pati ng AlDub at KathNiel para makatiyak na maging blockbuster din ito tulad ng The Hows of Us na dinirek din ni Direk Cathy, na nakapag-set na highest grossing Pinoy films na umabot sa P900 million ang kinita.

Samantala, isa si Kathryn sa palaban sa Best Actress category ng The Eddys 2019 (Entertainment Editors’ Choice) na hatid ng Echo Jham Entertainment Productions at gaganapin ang awards night sa Linggo, July 14 sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City na kung saan si Ms. Korina Sanchez-Roxas ang magho-host.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s