RYZA, tama lang na ‘wag ma-react o mag-comment sa lumabas na photos nina ANGELICA at POCHOLO

NI: Rose Garcia

AGREE naman kami na ayaw ng makisali o magkomento o mag-react ni Ryza Cenon sa lumabas na picture nina Angelica Panganiban at ng ex-boyfriend niya na si Pocholo Barretto na nasa pool.

May nagtatanong kung sila na raw ba.

Sabi lang ni Ryza, “Wala… wala na kami. Kung anuman ang gusto niyang gawin, kanya na yun.”

Pero magkasama pa rin sila sa The General’s Daughter, so paano sila?

“Wala lang, trabaho lang, walang personalan,” nakangiti niyang sabi.

Sa isang banda, tama lang naman ang attitude nito na hindi na mag-comment, makisawsaw o ano man kung meron man more than friends relationship sina Angelica at ex-boyfriend niya.

On her part, single lang daw siya at talagang nag-e-enjoy raw siya sa pagiging single. Kagagaling lang din niya sa Brussel kung saan, nag-show dun ang ilan sa cast ng T.G.D.

Hindi naman itinatanggi ni Ryza na may nagpaparamdam pero talagang gusto raw niyang maging single muna.

“Enjoy ako, enjoy ako na single lang, nagagawa ko kahit na anong gusto kong gawin. And siguro rin kasi, kung magkakaroon ako ng relationship, gusto ko talaga yung siya na, sana siya na.”

Sa ngayon, ayaw raw niyang hingin kay Lord, gusto niya raw, kung ano ang ibigay ni Lord sa kanya at kapag nandiyan na, saka niya sasabihing sana yun na talaga ang para sa kanya.

Isang taon na rin palang Kapamilya si Ryza at tulad sa huling ginampanan niyang character sa pinanggalingang network, nagti-trending na naman ang character niya at ang dami na namang galit sa kanya.

May ilan sa mga ito na sinasagot niya kahit pabiro tulad nang sa galit sa character niya, wini-wish na mamatay na raw sana siya sa T.G.D.

(photos: #CTTO)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s