ALDEN, halos ‘di na nagpapahinga dahil sa promo ng movie nila ni KATHRYN; teleserye malapit nang simulan

NI: Nora V. Calderon

CONCERNED na kay Alden Richards ang kanyang mga well-meaning fans kung hindi na raw ba magpapahinga ang actor na too busy sa mga TV guestings at sa mga pagpu-promote niya ng first movie team-up nila ni Kathryn Bernardo sa Star Cinema.

Everyday kasi ay nagri-report din siya sa Eat Bulaga kahit pa may mga times na halos wala siyang tulog dahil galing siya sa isang event, at pagkatapos nito ay mga TV guestings naman.

Like siya ang special guest sa pilot episode ngayong umaga ng bagong Mars Pa More! na iho-host na ngayon nina Camille Prats at Iya Villania.  May dance exhibition sila ni Nathan, ang panganay na anak ni Camille, guest din ang panganay ni Iya na si Primo. Nasa bagong bahay at bagong timeslot, sa umaga na ang Mars Pa More! sa GMA 7 from 8:50 – 9:20 am.

Alden at Mars Pa More!

Nag-tape na rin si Alden ng promo ng Hello, Love , Goodbye para sa Tonight With Arnold Clavio na nasa bago na ring timeslot, 7:15 pm every Wednesday, sa GMA News TV, Channel 27.

Narito ang schedule ng mall shows nila ni Kathryn simula sa Saturday, July 13, 4PM, Star Mall Alabang at 6PM, Vista Mall Taguig; July 14, 4PM Gateway at 6PM SM Masinag; July 20, 7PM ang concert nila sa SM North Skydome; July 21, 4PM Ayala Mall Cloverleaf, 6PM SM Valenzuela; July 27, 4PM Star Mall, San Jose del Monte, 6PM Marquee Mall, Pampanga; July 28, 4PM Market Market, 6PM Ayala Mall Circuit, Makati.

Sa ngayon, inihahanda na rin ng GMA 7 ang bagong teleserye na gagawin sa kanila ni Alden at sabi ay magsisimula na rin ang taping ngayong July.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s