Batikang broadcast journalist na si Korina, pangungunahan ang ikatlong Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS

NI: Rohn Romulo

PANGUNGUNAHAN ng batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas ang espesyal na edisyon ng ikatlong Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS na gaganapin sa July 14, Linggo, 7 p.m., sa New Frontier Theater.

Katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamumuno ni Chairperson Liza Dino, gugunitain ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang makulay na buhay at karera ng yumaong EDDYS Icon awardee at 2019 best actor nominee (Rainbow’s Sunset) na si Eddie “Manoy” Garcia.

Sa gabi ring iyon ay maglalaban-laban at tatanghalin ang mga tinaguriang “best of the best” ng taong 2018.

Magsasalpukan sa kategoryang best picture ang Goyo, Rainbow’s Sunset, Citizen Jake, Liway at Signal Rock.

Sina Kathryn Bernardo (The Hows of Us), Sarah Geronimo (Miss Granny), Nadine Lustre (Never Not Love You), Glaiza de Castro (Liway), Judy Ann Santos (Dalawang Mrs. Reyes), Angelica Panganiban (Exes Baggage) at Gloria Romero (Rainbow’s Sunset) naman ang magbabakbakan para sa pagiging best actress.

Best actor nominees sina Dingdong Dantes (Sid & Aya: Not A Love Story), Paolo Contis (Through Night and Day), Christian Bables (Signal Rock), Piolo Pascual (Ang Panahon ng Halimaw), Daniel Padilla (The Hows of Us), Carlo Aquino (Exes Baggage) at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).

Bilang pakikiisa naman sa selebrasyon ng ika-100 taon ng pelikulang Pilipino, kikilalanin sa EDDYS Parangal sa Sandaan ang “unsung heroes” at mga alagad ng sining na nag-alay ng ‘di matatawarang oras, lakas at talento sa industriyang minahal sa loob ng mahabang panahon.

Ang TV host-journalist na si Lourd de Veyra ang tatayong anchor ng EDDYS Parangal sa Sandaan.

Kabilang sa honorees ang mga beteranong sina Rustica Carpio, Rosa Rosal, Tommy Abuel, Pepito Rodriguez, Perla Bautista, Lorli Villanueva, Tony Mabesa, Robert Arevalo at Odette Khan.

Pararangalan din ang 2019 EDDYS ICON awardees na sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Ejercito Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda at Lorna Tolentino.

Anim pang special awards ang ipamimigay ng SPEEd sa 3rd EDDYS: Ang Joe Quirino Award (Cristy Fermin), Manny Pichel Award (Ethel Ramos), Producer of the Year (Star Cinema), Rising Producers’ Circle (Spring Films at T-Rex Entertainment), Lifetime Achievement Award (Elwood Perez) at posthumous award para sa yumaong hari ng komedya na si Dolphy.

Ang stellar performances ay pangungunahan ng pop diva na si Kuh Ledesma kasama sina Ice Seguerra, Aicelle Santos, Gerald Santos, Rayver Cruz, Lara Maigue, Bituin Escalante, Rita Daniela, Hashtag Rayt, Jem & Andrea, Sean Oliver at BOU.

Red carpet hosts ang Kapuso artists na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin.

Ang 2019 EDDYS ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions, sa ilalim ng direksyon ni Calvin Neria.

Ito ay presented by Cignal TV at mapapanood sa Colours (Channel 60 SD at Channel 202 HD) sa July 21, 9 p.m.

Para sa mga interesadong manood nang live sa 3rd EDDYS awards night, maaari kayong makakuha ng libreng tickets, dalawa kada tao, sa New Frontier Theater box office simula ngayong July 9, July 10, at sa July 12, 1-5 p.m., on a first come, first served basis.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s