Philippine Stagers Foundation, may panibagong dulang pinamagatang “Sindak 1941”

NI: Throy Catan

INANUNSYO kagabi, Hunyo 6, sa Hotel Benilde Maison De La Salle sa Maynila ang bagong musical play ng Philippine Stagers Foundation: “Sindak 1941“. Na-witness ng mga bloggers at taga-media ang konting pasilip sa nasabing musical.

Hango ang Sindak 1941 sa totoong pangyayari sa Pilipinas noong World War II under Japanese Regime. Ang kuwento ay tungkol sa magkakapatid na sina Felipe at Nestor, at ang kanilang pagmamahal sa kanilang minamahal na sina Sofia and Emilia, respectively.

Mapapakita din ang katatagan at katapangan ng mga Pilipino at ang iba pang pangyayari sa kasaysayan na hindi pa lubos pinag-aaralan sa mga iskwelahan katulad ng eskandalo ng pagbalik sa Pilipinas ni General Douglas MacArthur at ang pagbuo ng HUKBALAHAP.

Ang nagsulat, nag-compose, nag-direk at ang gumanap bilang Felipe ay si Atty. Vince Tañada, founder ng Philippine Stagers Foundation.

Maliban kay Direk Vince, isa sa mga nagsipagganap ay sina Jomar Bautista (Felipe); Patrick Libao at Johnrey Rivas (Nestor); Yesh Burce, Kath Medina at Vean Olmedo (Sofia); Cherry Bagtas at Rachelle Penaflor (Emilia); Franie Zamora, Joel Molina, Kuya Manzano at Chris Lim (MacArthur); Adel Ibarrientos (Mauricia); OJ Bacor (Salvacion); Neil Tolentino (Gorio); Dean Rafols (Pancho); Chin Ortega (Tata Edong), Gerald Magallanes (Masanobu), Gian Daquioag (Homma), Carl Adaron (Kunitake), at Bea Martin (Cromwell).

Mapapanood niyo na ang Sindak 1941 sa iba’t ibang theater venue at iskwelahan sa Metro Manila at sa mga probinsya. Magsisimula ito sa Junyo 11, 2019 hanggang Marso 2020. Para sa ticket inquiries at show buyers, maaaring i-contact ang numerong ito: 0956-669-0335.

Para sa mga updates at schedule, i-follow lang ang #sindak1941, Philippine Stagers Foundation official Facebook page, Instagram, at Twitter.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s