Mark, balitang si Nicole Donesa ang ipinalit kay Winwyn; bayolente ang reaction ng netizen

NI: Ruel Mendoza

Bayolente ang reaction ng isang netizen nang malaman nito kung sino ang bagong girlfriend ng Kapuso actor na si Mark Herras.

Nicole Donesa ang name ng nababalitang bagong girlfriend ni Mark at kasama ito sa GMA afternoon teleserye na Bihag.

Sumali itong si Nicole sa Binibing Pilipinas 2013 at nakuha nito ang special award na Miss Philippine Airlines.

Next siyang sumali sa Miss World Philippines in 2014 at naging 3rd Princess ito.

Lumaki sa Amerika si Nicole pero dito na siya sa Pilipinas nakapagtapos ng kanyang degree na Bachelor of Arts in Communication sa Angelicum College.

Noong maging talent na siya sa GMA-7, lumabas siya sa mga shows na Kambal Sirena, Bubbly Gang, Contessa, Sherlock Jr. at Magpakailanman.

nicole_donesa.jpg

Mahusay ding kumanta si Nicole at nakasama siya sa Kitchen Musical.

Wala pang kinukumpirma si Mark kung totoo ngang bagong girlfriend niya si Nicole na nakilala siya sa set ng Bihag.

Pero ito ang ilan sa pinost ng netizen tungkol sa bagong girlfriend ni Mark:

“Puro lovelife si Mark, sila na agad ni @nicole_donesa, etong si Nicole, pumatol agad, mabilis makuha hahahaha hindi tumulad sa co-star na matagal na sa relationship @thejasonabalos @maxcollinsofficial @itssophiealbert 😂

“Ang cheap ng babaeng ipinalit ni Mark kay Winwyn hahahaha pababa ng pababa ang taste ni Mark sa girls, from ynna, winwyn to nicole hahahaha”

Bukod kina Ynna Asistio at Winwyn Marquez, na-link din romantically si Mark kina Jennylyn Mercado, Cristine Reyes, Ryza Cenon, Rhian Ramos, Nicole Anderson at Marian Rivera.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s