GABBI, naiintindihan ang desisyon ng GMA na ‘wag nang ituloy ang ‘Rosang Agimat’

NI: Ruel Mendoza

NAUDLOT man ang pagbibida ni Gabbi Garcia sa isang GMA teleserye, pero tuloy pa rin ang pagdating ng trabaho sa kanya.

Heto nga’t magbibida sa isang digital series na ipapalabas sa iba’t ibang bansa.

Inamin ni Gabbi na nalungkot siya sa pag-cancel sa teleserye na Rosang Agimat na pagsasamahan sana nila ng yumaong actor-director na si Eddie Garcia.

Sey ni Gabbi, naiintindihan naman daw niya ang desisyon na ito ng GMA, bilang respeto na rin sa pagpanaw ng veteran actor-director.

eddie-garcia-gabbi

Pero hinanapan naman daw si Gabbi ng kapalit na project at nagsimula na raw siya sa pag-shoot nito.

“Right now, I’m doing a digital series. Sobrang exciting because it’s international. Hindi ko pa puwedeng sabihin, it’s just exciting,” ngiti pa ni Gabbi.

Bukod sa digital series, may natapos ding movie si Gabbi titled LSS kunsaan kasama niya ang boyfriend na si Khalil Ramos. Isa ito sa magiging entries para sa Pista Ng Pelikulang Pilipino Film Festival na magsisimula sa September 12 hanggang 18.

Kabilang si Gabbi sa celebrities na um-attend sa launch ng Maybelline New York cosmetic line tulad ng Superstay Full Coverage Powder Foundation, Sensational Liquid Matte Lip Tint, and Line Tattoo Impact Pen.

LSS poster

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s