ASHLEY, gusto nang magkaanak at foreigner sana ang maging ama

NI:  Ruel Mendoza

SA edad na 27 ay gusto na raw magkaroon ng anak ni Ashley Rivera.

Two years na raw kasing single si Ashley at sana raw sa susunod na makilala niyang guy, iyon na raw ang “the one” para sa kanya.

“At my age now, feeling ko gusto ko ng maging mommy. Ayoko na kasing paabutin pa sa edad na 35 or 40 bago ako magkaroon ng baby. Kung puwede ngang mabuntis na ako agad-agad, why not?

“Pero sana afam (foreigner) ang maging ama ng first baby ko. Gusto ko kasi na maganda ang kulay ng mata ng baby ko at mas mapaganda pa ang lahi namin! Sana may silbi ang pagpapa-blonde ko ng buhok!” tawa pa ni Ashley.

Ashley Rivera

Kaya pinagpapraktisan daw niya ngayon bilang baby niya ay ang kanyang toy poodle dog na si Charlie Poop.

“Yeah, sa aso ko binubuhos ang pagiging mommy ko. I don’t go anywhere without Charlie. Parang naging emotional companion ko na siya.

“Tsaka with Charlie, natututo akong paliguan siya, pakainin sa tamang oras at ihele kapag sleepy na siya.

“Sabi nga nila, kung naging maalaga ka sa isang animal, what more sa isang tao, ‘di ba?”

Sa The Better Woman ay gumaganap si Ashley bilang ai Chelsi, best friend ng isa sa kambal na ginampanan ni Andrea Torres.

Ito ang ika-pito na teleserye ni Ashley sa GMA-7 at masaya siya sa mga roles na binigay sa kanya.

“Wala naman akong reklamo. Though nakilala talaga ako sa a social media comedienne dahil sa aking Petra Mahalimuyak na series on YouTube, nabibigyan naman ako ng dramatic roles like the ones I did for ‘My Special Tatay’ and ‘Legally Blind.’       “Pero at home ako sa comedy like the roles I did for ‘The One That Got Away’ and ‘Super Ma’am’. Dito sa ‘The Better Woman’, babaeng bakla ako kaya may mga hirit ako na nakakatawa sa scenes namin ni Andrea,” pagtatapos pa ni Ashley.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s