JASMINE at ROCCO, pareho nang excited sa Pinoy adaptation ng ‘Descendants of the Sun’

NI:  Ruel Mendoza

EXCITED na sina Jasmine Curtis-Smith at Rocco Nacino dahil sa pagpili sa kanila na mapasama sa Philippine adaptation ng hit Korean series na Descendants of the Sun.

Unang binalita na si Dingdong Dantes ang gaganap sa lead role na Captain Lucas or Big Boss.

Si Jasmine ang gaganap bilang Moira Defensor at si Rocco naman si Diego Ramos.

Naging big hit sa Korea ang Descendants of the Sun noong 2016 dahil sa pagpapakita nito ng pagiging makabayan at ang halaga ng military training. Ang mga nagbida rito ay sina Song Joong-ki, Song Hye-kyo, Jin Goo at Kim Ji-won.

dingdong-jasmine-rocco

Handa na raw si Rocco sa gagawin pa niyang training para sa kanilang gagawing teleserye.

“I will give my all sa mga training so rest assured po na you will receive the cooperation from all the actors na magawa namin ng maayos and ‘yung techniques ng tamang proseso ng mga ginagawa ng mga sundalo. We’re excited to make the Philippines proud through this show,” sey ni Rocco.

Thankful naman si Jasmine dahil isa na namang malaking challenge sa kanya ang role na Moira after niyang gawin ang Sahaya kunsaan gumanap siya bilang si Manisan.

“Firstly, thank you so much to GMA and AFP for trusting us, actors, to portray an incredible role that, of course, represent not just the characters in the original story, but also our military man in our country. So thank you very much and I’m very, very excited to portray the role of Moira,” ngiti pa ni Jasmine.

Ang hindi pa nari-reveal ay kung sino ang gaganap sa role na Dr. Maxine Kang.

jasmine-rocco

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s