HERBERT, balik-showbiz na sa pagtanggap ng father role sa isang young actor; time out muna sa politics

NI:  Ruel Mendoza

BABALIK agad sa pag-arte ang former Quezon City Mayor Herbert Bautista.

May offer daw na isang project ang ABS-CBN 2 sa kanya.

“I am taking the role of a father to a young actor. ABS-CBN is taking me and I was told it’s a good project.

“I have no other option but to return to action. It’s good that somebody is still interested in me,” sey pa ni Bistek.

Tinatapos na lang ni Bistek ang kanyang third term bilang Quezon City mayor bago pumalit sa kanya ang bagong elected mayor na si Joy Belmonte.

Ayon kay Bistek: “The new mayor has all the knowledge and skills to run this city. I hope that she continues the ongoing projects and introduce new ones that would directly benefit the poor and underprivileged.”

herbert-bautista1

Time out daw muna si Bistek sa politics kaya nagdesisyon ito na huwag nang tumakbo bilang senador noong nakaraang eleksyon.

“Our assessment is that we will end up a loser. Imagine the much-bigger neophyte names and the number of returning senators. I have no chance at all,” pag-amin pa ni Bistek.

Sa totoo lang, wala naman na dapat pang patunayan si Bistek dahil since 1986 ay nasa mundo na siya ng politics. Nagsimula siya nilang youth sector representative ng Quezon City hanggang sa maging city councilor siya in 1992. Nanalo naman siya bilang vice mayor in 1995. Taong 2004 at 2007 ay nagsilbi ulit siya bilang vice mayor. In 2010, naging mayor si Bistek ng Quezon City.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s