MARIAN, happy na ni-renew ang kontrata, ZIA posibleng mag-endorse din ng Kultura

NI: Rohn Romulo

FIRST public appearance ni Marian Rivera after niyang isilang ang baby boy nila ni Dingdong Dantes na si Jose Sixto IV o Ziggy noong Martes sa SM Fashion Hall na kung saan naganap ang pagri-renew ng kanyang contract sa Kultura.

Ito na ang second year niya bilang brand ambassador ng Kultura na may collection of clothes and apparel na Uniquely Filipino at proudly Philippine-made.

Present nga sa contract renewal ang mga babae sa likod ng Kultura at ang manager ni Marian na si Rams David ng All Access to Artists (Triple A) Inc.

Sa naturang launch ng ‘Kultura x Marian Rivera’ pinasilip din ang  Marian Rivera Shirt Collection na ang Kapuso Primetime Queen mismo ang namili at nag-design.

Ang naturang collection ni Marian na affordable at stylist ay available na sa Kultura outlets at ilo-launch sa SM Southmall Event Center sa July 2 at 3 pm.

marian-kultura1

Happy si Marian sa pagre-renew sa kanya ng Kultura, dahil gusto raw talaga niya ang pang-long term ang samahan at siguradong ginagamit niya at naniniwala sa produkto.

“Alam ng Kultura yan, halos every month yata nagsa-shopping ako, natutuwa ako dahil ang daming magagandang produkto na nakaka-proud.

“Kaya sa tuwing magpo-post ako, sinasabi ko na ‘proud to be Pinoy, gawang Pinoy.'”

Kahit daw si Zia ay nakakagamit na ng Kultura clothes, katulad ng ginamit ng anak sa ‘Linggo ng Wika’.  Inamin din ni Marian, na nagpaparamdam na raw ang Kultura na kunin ding endorser ang anak, dahil mayroon silang puwede para sa mother and daughter.

Samantala, parang hindi naman nanganak si Marian, dahil ang sexy pa rin, ang nabago lang sa kanyang ay lumaki ang kanyang boobs, na sabi nga niya ay okay lang, dahil punum-puno ito ng gatas, dahil six months niyang ibi-breastfeed si Ziggy.

At kahit 2 month pa lang siyang napakapanganak, marami na raw siyang pinagkaabalahan.

“Sabi ko nga, ang isa sa pinakamahirap na trabaho pero sobrang rewarding ang pagiging nanay.

“Nung kay Zia nga sobrang busy na ako, what more may newborn na ako.  Nakakatuwa, kasi si Zia, pumapasok na uli sa school, so, ako ulit yun naghahatid-sundo.

“Si Ziggy, bini-breastfeed ko palagi at isa yun sa pinakamahirap gawin.”

dantes fam2

Natanong din si Marian kung tuloy na ba ang pagbabalik niya next month sa pagho-host ng Tadhana at Sunday PinaSaya.

“Binigyan na ako ng letter ng GMA, pinababalik na ako,” sagot niya.

“Pero endorsement muna ako.  Susunod nyan babalik na ako sa ‘Tadhana’, tapos sa ‘Sunday PinaSaya’, pero hindi naman sobrang tagal.”

May pahayag din si Dingdong na may hinihintay pa sila para maging leading lady niya sa Descendants of the Sun, posible kaya na siya ang tinutukoy ng asawa?

“Napag-usapan na namin ni Dong yan.  To be honest, priority ko talaga na alagaan si Ziggy eh.  Mahirap para sa akin na iwan si Ziggy tapos mag-soap.

“Pero baka magbago ang isip, kung makakabalik ako.  Pero sa ngayon, kung tatanungin at balikan ako, sa puntong ito, I will say ‘no’.

“Kasi hindi ko talaga kaya, ako yun tipo ng nanay na hands-on ako dahil ayokong pagsisisihan na wala ako doon habang lumalaki sila.

“Kay Zia noon, bago ako nakabalik two and a half years.  Pero may Ziggy, mukhang mas mabilis, kasi after month pa lang, nag-shoot na ako, eh at ngayon nasa launch na ako.

“Sa soap, no ako ngayon.  Pero malay mo, after two months mag-yes ako.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s