Kung si Alden ay may Kathryn, Maine, itatambal naman kay Carlo sa rom-com na ‘Isa Pa With Feelings’

NI:  Rohn Romulo

KUNG si Alden Richards ay may Kathryn Bernardo, si Maine Mendoza naman ay may Carlo Aquino.

Kahapon (June 27), sa isang story conference ginulat nga ang lahat sa isa namang collaboration ng Kapamilya at Kapuso star para sa isang malaking film project.

Inihayag nga ng production outfit na Black Sheep at APT Entertainment na magkakatambal sina Maine at Carlo sa upcoming movie na Isa Pa With Feelings na ididirek ni Prime Cruz.

carlo & maine 3

May two independent films na nagawa si Direk Prime ang Sleepless (2015) at Ang Manananggal Sa Unit 23-B (2017), at two mainstream movies noong 2017, ang Can We Still Be Friends? (Star Cinema) at The Debutantes (Regal Entertainment).

Nakaka-excite ang bagong-bago at fresh na fresh na tambalan ng dalawa, na tiyak na kaabang-abang ang rom-com movies na sisimulan na agad ang shooting.

Samantala, second movie na ito ni Carlo sa Black Sheep, nauna na ang hit na Exes Baggage na na kung saan muling nakatambal niya si Angelica Panganiban.

Si Alden Richards naman ay muling tumapak sa ABS-CBN last Tuesday na kung saan sinamahan siya ng kanyang newest leading lady na si Kathryn Bernardo.

“Welcome to ABS-CBN,” ito ang sinabi ng Box-Office Queen kay Alden.

carlo & maine 1

Kahit na hindi ito ang kauna-unahang pagbisita ng aktor sa Kapamilya network, hindi pa rin siya makaniwalang nangyayari ito.

“Medyo surreal na nandito ako ngayon. Nandito kami ni Kath to shoot mga video plugs and ‘yung mga digital shoot,” esplika niya.

Dinala at ipinakita ni Kathryn kay Alden ang bagong Star Cinema office na nagkaroon ng pagbi-bless kaya nagpa-bless na rin siya sa pari at ipinagdasal ang tagumpay ng kanilang  upcoming movie na Hello, Love, Goodbye na ipalalabas na sa July 31.

Pagkatapos at nagkaroon sila ng intimate lunch kasama si Star Cinema managing director Olivia M. Lamasan.  Nakilala rin ni Alden si ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak at ang ABS-CBN chairman na si Mark Lopez.

Sa mga kaganapan kina Alden at Maine na i-partner sa Kapamilya stars, na parehong pasabog, inaasahang tatangkilikin at gagawa ng eksena sa box-office.

alden-olive-kathryn

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s