MARISSA, kampeon ng maraming OFWs sa buong mundo; bagong TV show mapapanood na sa GMA News TV

NI: Ruel Mendoza

KAMPEON ng maraming OFWs sa buong mundo ang former actress na si Marissa del Mar.

Sa pamamagitan ng kanyang bagong TV show sa GMA News TV na World Class Kababayan, maipaparating ni Marissa ang ilang kuwento ng tagumpay at lungkot ng mga kababayan nating OFW.

Sa July 27, eere na ito tuwing Sabado, 5:30 p.m hanggang 6:30 p.m.

Ilang taon nang tumutulong si Marissa sa mga OFWs sa pamamagitan ng kanyang dati pang public service shows na Up Close & Personal at Buhay OFW.

Nais lang niyang mas mapaganda at mabigyan ng respeto ng marami ang mga Pinoy na nalalayo sa kanilang mga pamilya para lang makapagtrabaho sa ibang bansa.

“Nagsimula ang lahat when I was still active as an actress during the ’80s. Marami akong ginawang mga international movies kaya lagi akong nasa ibang bansa. Ang film crew ng mga productions na ito ay mga Pinoy. Nakikita ko na nahihirapan sila at hindi sila pinapakain sa tamang oras.

marissa dm

“Pinaglaban ko ang mga kababayan natin from these foreign producers. I demanded na tratuhin sila ng tama or else magwu-walkout ako sa set at isasama ko ang film crew. “Sino ang nalulugi? Eh di sila dahil malaki na ang ginastos nila. Kung idemanda man nila ako, handa ako kasi marami akong kilalang magagaling na abogado.

“Para sa akin, respetuhin mo ang mga taong nagtatrabaho for you. Ibigay mo ang kailangan nila at ibibigay din nila ang maayos na sebisyo,” kuwento pa ni Marissa.

Makakasama pa ni Marissa sa World-Class Kababayan ay ang anak niyang si Princess Adriano na may sariling segment para sa mga millennials na mahilig mag-travel.

Isang magandang segment pa sa show ay ang featured celebrities na may family member or relative na naging OFW.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s